Buwan ng kababaihan
Isang buwan sa isang taon
Kung itoy ating igunita
Isang buwan na ating inaalala
Ang mga paghihirap at sakripisyo nilaMga kababaihang naging ating sandalan
Sa oras ng ating pangangailangan
Mga kababaihang ipinaglaban
Itong bansa nating pilipinasAndyan din ang ating matatapang na INA
Na walang ibang inisip kundi ang kapakanan ng kanilang anak
Isang INA na itinaguyod ang anak ng mag-isa
Isang INA na minahal ka ng higit sa sarili nilaMga kababaihan na dapat inirerespeto
Ginagalang at minamahal ng totoo
Pinagsisilbihan at inaasikaso
Hindi pinagmamalupitan at nilolokoKilala niyo pa ba ang babaeng nagngangalang Maria Josefa Gabriela Cariño de Silang?
O mas kilala bilang GABRIELA SILANG
Na asawa ng isang rebolusyonaryong si DIEGO SILANG
Sila ang magasawang ipinaglaban ang bansa nating pilipinasGABRIELA SILANG Kauna-unahang Babae na namuno sa himagsikan
Isang Babae na wlang takot na nakipaglaban
Isang babae na Ipinaglaban ang lugar na nagngangalang VIGANMaraming kababaihan ang dapat nating pangaralan
Sa walang sawa nilang pagmamahal
Sa kanilang mga trabahong marangal
At hindi gumagawa ng ilegalSa panahon ngayon dapat nating ipagdasal
Ang mga doctor na propesyonal
At mga taong nasa hospital
Na silay gabayan ng maykapalHindi ko ginawa ang tulang ito
Para paringgan kayo
Ginawa ko ito sapagkat babae rin ako
Isang Babae na humuhiling na sana matapos na
Ang mga pagaalipusta
At malaman rin ang halaga
Naming mga kababaihan
BINABASA MO ANG
SPOKEN POETRIES
PoetryPoetries can hide a lot of feelings. If you just learn to think deeper, you'll get what I mean.