Protektahan ang kalikasan para sa magandang kinabukasan

58 3 1
                                    

Protektahan ang kalikasan para sa magandang kinabukasan

Masakit isipin na kahit anong ating gawin
O kahit gaano pa natin pilitin
Na ayusin at panatilhin ang kalikasan natin
Ay sadyang may mga taong pilit itong sisirain

Dahil sa kanilang pagmamalupit,
kalikasan sa ati'y nagiging mapait
Kanino tayo lalapit?
Saan na tayo kakapit?

Hindi niyo ba naiisip ang susunod nating henerasyon?
Sa tingin niyo ba'y masisilayan pa nila ang magandang panahon?
Kung sarili niyong kalat ay hindi pa sa tama ay maitapon?
Paano na ang magiging buhay nila doon?

Gusto niyo bang ang nalalanghap nila ay ang mga hanging may masamang dulot sa katawan?
Gusto niyo bang sa tuwing uulan ay lalangoy sila kasama ng mga hayop sa lansangan?
Gusto niyo bang sa tuwing sila'y hihinga ay pahirapan?
Ayan ba, ang gusto niyong maging kalabasan?

Kung kayo'y nag-aalala sa kakalabasan nito
Kayo'y makinig sa susunod na mga sasabihin ko
Sundin niyo sana ang mga ito
Para maging maayos ang makikita nilang mundo

Una, pagtapon sa tama ay ugaliin
Pangalawa'y mga puno'y panatilihin
Pangatlo'y mga proyekto sa kalikasan ay unawain
At ang huli'y ipabatid sa iba ang mga hakbang na nais mong gawin

Atin man ito'y uunti-untiin
Pero malaki ang maitutulong ng ating gagawin
Kaya sana'y simulan na natin
Upang sa huli'y hindi tayo sisihin

Alam kong hindi lahat ay kanilang susundin
Kung kaya't sanay huwag na nating gayahin
At bagkus, ipakita nalang natin
Ang magandang kalalabasan nitong ating gagawin

Maraming bagay pa ang pwedeng mangyari
Na balang araw ay makakaapekto din sa ating sarili
Hihintayin mo pa ba itong mangyari?
Kung pwede namang agapan na natin

Hindi nila mararanasan ang aking mga nabanggit
Kung ngayo'y kikilos na tayo't makikinig
Hindi naman mahirap kung atin lang ito'y iintindihin
Kaya't ano pang hinihintay mo? Gawin na natin

Maraming salamat sa inyong pakikinig
Nawa sana'y naintindihan niyo ang nais kong iparating
At para sa pagtatapos, nawa sana ay inyo itong tandaan
Protektahan natin ang kalikasan para sa magandang kinabukasan

SPOKEN POETRIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon