Hi crush kamusta ka na pala???
Kamusta na ang mga pangakong binitawan mo...Kamusta na ang mga kulitan, harutan, at asaran na ating pinagsamahan...
Kamusta na ang masasayang ala-alang iniwan natin sa nakaraan...
Kamusta na... tutal... mahilig ka naman mangamusta...
Mangamusta sa maraming babae...
Pero ni minsan... tinanong mo ba ko ng "KAMUSTA KA NA??? ... hindi diba...
Kasi para sayo kaibigan mo lang ako...Kaibigan mo na laging nandyan para sumuporta at umunawa sayo...
Kaibigan mo na handang masaktan... makita ka lang masaya... kahit sa piling pa ng iba...
Kaibigan mo na handa kang pasayahin kahit na nalulungkot pa siya...
Kaibigan mo na lagi kang inuuna kesa sa mga ginagawa niya...
Kaibigan na handang makinig at umunawa tuwing may problema ka...
Oo, kaibigan... kaibigan mo lang ako...
Kaibigan mo lang ako... pero di mo alam na ako'y nasasaktan sa tuwing nakikita kitang masaya pero di ako ang dahilan ng bawat pagtawa mo...Alam mo bang umaasa ako...
Umaasa ako na mapapansin mo rin ako...
Umaasa ako na makikita mo rin ang halaga ko...
Umaasa ako na magugustuhan mo rin ako...
At sana kapag dumating ang araw na iyon...
Ay hindi pa huli ang lahat... para sa salitang Tayo...
Tayo na hindi kapag aalis...
Kundi tayo bilang magkasintahan...Bago ko pa tapusin ang ginawa kong ito...
Gusto ko lang sanang sabihin sa iyo...
Sabihin sa iyo ang nararamdaman ko...Sabihin sa iyo kung gaano ka kaimportante sa akin...
Sabihin sa iyo kung gaano kita kamahal...
Bro... Alam mo bang MAHAL NA MAHAL KITA ???
Mahal na mahal kita kahit alam kong siya ang mahal mo...
Mahal na mahal kita kahit alam kong siya ang tinitibok ng puso mo...
Mahal na mahal kita kahit na alam kong kaibigan mo lang ako...Bro... magpapaalam na ako...
Ayoko ng guluhin pa kita...
Basta sa oras na umiyak ka ng dahil sa kanya...
Wag kang mag-alala babalik ako...
Para ika'y hagkan at yakapin...Paalam na bro... Lagi kang mag-iingat... Pasensya na kung wala akong lakas ng loob na sabihin ito sayo...
Basta tandaan mo...
Tandaan mong nandito lang ako...
Tandaan mo kapag kailangan mo ako... pupunta agad ako...
At tandaan mong MAHAL NA MAHAL KITA...Wag mong pababayaan ang sarili mo...
Mahal na mahal kita... paalam na!!!...A/N:
Sometimes we need to let go someone who is special to us...
Sometimes we need to forget them...
Sometimes we need to stand by our own...
Because everything has an end...and that will make them feel free...
And thats what make them happy...We know that when we do this to them it will make them happy... and that's what we want for them...
So don't force yourself to those you know can't understand or can't accept you... because they aren't a lose for you... they are not important... so don't mind them...
BINABASA MO ANG
SPOKEN POETRIES
PoetryPoetries can hide a lot of feelings. If you just learn to think deeper, you'll get what I mean.