SIMBAHAN

126 4 0
                                    


Hindi ko alam kung bakit ayaw ng mga kabataang pumunta sa simbahan
Minsan kapag pumunta sila tulog o kaya nama'y nakikipagdaldalan
Pero pagdating sa walwalan at kasiyahan
Di mawawala ang mga kabataan
Bakit kaya sa panahon ngaun???
Hindi na naeenganyong pumunta ang mga kabataan sa simbahan???
Ano ba ang dahilan kung bakit ayaw nila???
Dahil ba ayaw nilang mapagtripan ng kapwa nila???
At sabihan na nagpapanggap lang sila???
Ano bang nakakatakot sa pagpunta sa lugar na katulad non???
Bakit Pag dating sa galaan at puyatan handa silang gabihin???
Pero bakit sa simbahan isang oras lang di pa magawang tapusin???
May mali ba sa itinuturo sa simbahan???
Bakit kapag barkada ang nagdesisyon???
Walang mali o bawal???
Handang gabihin sa inuman
Handang mapagalitan
Kasi sulit naman ang kaligayahan
Pero bakit isang oras lang di makayanan???
Kapag may problema at kailangan ng mga bagay
Diyos ang laging sinasandalan
Naaalala lagi ang maykapal
Pero kapag masaya at kuntento
Di na halos makilala ang panginoon
Nakalimutan na ang nagawa nito
Teka nakalimutan nga ba???
O sadyang kinalimutan lang talaga nila???
Pero bakit???
Bakit ang lakas ng loob na humingi ng kung ano- ano???
Pero di man lang mabigyan ng oras bumisita dito???
Bakit ang lakas ng loob na tumawag at humingi ng tulong???
Pero di maalala ang panginoon
Siya ay ating naaalala tuwing may problema
Pero di na natin kilala kapag naayos na ang lahat
Kaya sa mga di nakakakilala sa kanya
hayaan nyo akong ipakilala sya
Sya ang ating panginoon na walang sawang nagmamahal satin
Na ibinuwis ang buhay para mabayaran ang mga kasalanan natin
Sana naman maalala natin sya
Hindi lang tuwing may problema
Kundi isama natin sya sa mga kasiyahan at kaginhawaan
Kasi kahit minsan hindi nya tayo iniwan
Minahal tayo ng buong buo
Kahit makasalanan tayo
Ibinigay ang kanyang bugtong na anak para mailigtas tayo
Marami na tayong atraso
Pero ni minsan di tayo pinabayaan
Ganyan tayo nila kamahal
Ganyan tayo kamahal ng maykapal
Na isinugo at hinayaang mahirapan at mamatay ang anak nyang mahal
Para lang iligtas tayo sa mga bagay na ikapapahamak natin
Palagi tayong pinagtatanggol ng panginoon
Binibiyayaan tayo kahit ilang beses natin syang iniwan at kinalimutan
Ganyan magmahal ang panginoon
Na handang isakripisyo ang lahat para sayo
Wag mo syang sisihin kung bakit ka nahihirapan ngaun
Kasi wala syang ibang ginagawa kundi tayo ay mahalin
Kaya sana'y paglaanan ng oras at bumisita sa kanya
Magpasalamat sa mga biyayang ibinibigay nya
Kahit puro paghihirap at pasakit ang ating isinusukli
Hindi tayo sinukuan bagkus lalo pang minamahal
Maraming salamat sa maykapal
Sa lahat ng tulong na iyong ibinibigay

SPOKEN POETRIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon