Manlalakbay ng oras Spoken Poetry
Gusto kong bumalik sa nakaraan na kung saan
Maipaparamdam ko ang iyong kahalagahan
At maipapamalas ko ang aking nararamdaman
Upang mabago ang kasalukuyanKung maibabalik ko lang ang orasan
Sa taon na kung saan
Makikita ko ang iyong kaligayahan
Kasama ang tinuturing mong mga kaibiganKung ako ay mapagbibigyan
Susubukan kong bumalik sa nakaraan
Upang paalalahanan ka na hindi ka nag-iisa
At handa akong maging sandalan sa tuwing hindi mo na kayaAlam kong mahirap ang aking pinapangarap
Ngunit hindi na dapat matuloy ang nasa hinaharap
Sapagkat alam kong ginawa mo ang lahat
Sadyang sa kanila ay hindi ka lang sapatIlang hiling pa ba ang gagawin ko?
Ilang dasal pa ba para matupad ito?Sabihin niyo sakin ang sagot dito
Upang matapos ko na ang aking planoHindi ko kayang nakikita kang umiiyak Dahil sa mga pangarap mong unti-unting nawawasak
Pwede ko bang kunin nalang lahat?
Upang mawala na ang bigatGusto ko lang namang mapasaya ka
Ngunit bakit parang may halaga
Magkano ba para mapag-ipunan ko na
At mawala na ang luha sa iyong mga mataIsa ka sa mga tinitingalaang artista
Dahil sa talento mo sa pagkanta
At sa bilis mong bumigkas ng mga salita
Na lahat ay siguradong mapapangangaNgunit tila isa kang punong nawalan ng bunga
Sapagkat wala nang lumalapit sayo at nagpapakuha
Pagkatapos kang gamitin ng iba
Bigla ka nalang iniwan at hindi na tiningalaKaya pakiusap, pabalikin niyo na ako sa nakaraan
Upang aking siya'y masamahan at mabantayan
Lalo na sa panahong kakailanganin niya ng isang kaibigan
Na iintindi at hindi siya pababayaan
BINABASA MO ANG
SPOKEN POETRIES
شِعرPoetries can hide a lot of feelings. If you just learn to think deeper, you'll get what I mean.