CRUSH LANG BA O MAHAL MO NA...

388 4 0
                                    

Akala ko dati hinahangaan lang kita...
Akala ko dati gusto lang kita...
At akala ko dati crush lang kita...
Pero mukhang akala ko lang iyon...

Ano ba kasi ang kahulugan ng CRUSH???
PAGHANGA??? PAGTINGIN??? PAGKABIGHANI???
Kung ganun CRUSH lang ba talaga kita...
O...
MAHAL na kita???

Kasi kung CRUSH lang kita...
Bakit ako nasasaktan sa tuwing nakikita kitang may kasamang iba???
Bakit ako nasasaktan sa tuwing nakikita ko kayong magkasamang dalawa???
At Bakit ako nasasaktan tuwing nakikita kitang masaya ng dahil sa kanya???

Hindi natin kasalanan kung nagmahal tayo ng taong ayaw naman sa atin...
Hindi natin kasalanan kung hindi nila tayo kayang mahalin...
At lalong hindi natin kasalanan kung kaibigan lang turing nila sa atin...

Ano ba talaga??? CRUSH lang ba talaga kita???
O...
MAHAL na kita???

Yan din ang tanong ko sa sarili ko...
Yan din ang tanong ng mga kaibigan ko...
At Yan din ata ang tanong ng puso't isip ko...

Ano ba kasi talaga???

Sa tingin ko nga MAHAL na kita...
Kasi ngayon lang ako nagkaganito...
Kasi ngayon lang din ako nasaktan ng ganito...
At lalong Ngayon lang din ako nagmahal ng ganito...

Oo na... inaamin ko na MAHAL NA MAHAL KITA...
Mahal na mahal kita kahit may mahal kang iba...
Mahal na mahal kita kahit na alam kong mas mahal mo siya...
Mahal na mahal kita kahit na alam kong di ko siya mapapalitan sa puso mo...

Oo na... sa tingin ko nga MAHAL na kita...
Bakit ikaw pa???
Bakit di nalang ako siya???
At Bakit di nalang ako ang mahalin mo???

Mahirap ba akong mahalin??? Hindi naman diba???
Then Bakit siya pa???

Nandito naman ako...
Nandito ako lagi sa tabi mo...
Nandito ako laging naghihintay sayo...
At Nandito ako para sayo...

Pero bakit di mo ko makita???
Bakit di mo makita ang kahalagahan ko???
At higit sa lahat Bakit di mo napansin na MAHAL na MAHAL KITA???

Oo nga...
Alam kong Mahal mo siya...
Pero magising ka nga sa katotohanang may mahal siyang iba...
Magising ka nga sa katotohanang iba talaga ang tinitibok ng puso niya...
At magising ka nga sa katotohanang hindi talaga ikaw ang gusto niya...

Ako nalang kasi...
Ako itong taong nagmamahal sayo...
Ako itong taong palaging nasa tabi mo...
At Ako itong taong handang maghintay sayo...

Thank you...
At nasagot ko na rin ang tanong na hindi ko masagot sagot noon...
Nang dahil sayo nalaman ko...
Na higit pa pala sa CRUSH ang tingin ko sayo...
At nalaman kong MAHAL na nga kita...
At dyan nagtatapos ang tanong na CRUSH LANG BA O MAHAL MO NA...

SPOKEN POETRIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon