Istorya

62 3 1
                                    

Istorya
Spoken Poetry

Sa bawat linyang isinusulat ko
Ay umaasang mababasa mo ito
Sa bawat pahina nitong libro
Nawa sana'y intindihin mo

Umpisahan natin sa unang kabanata ng kwento
Na ang mga tauhan ay ikaw lamang at ako
Na magsisimula sa pagpapakilala mo
At nagtatapos sa layuning makasama ako

Ikalawang kabanata ay patungkol sa ating pag-iibigan
Kwentong kung saan ay puno ng kaligayahan
Pakiramdam na kahit sino'y hindi kayang tumbasan
Pero bakit naging ganyan? Ako pa rin ba ang iyong nagugustuhan?

Nasa Ikatlong kabanata ng kwento palang tayo
Ngunit bakit puro away na at gulo?
Ano bang problema, mahal ko?
Dapat na ba akong sumuko?

At para sa ika-apat na kabanata
Tila lahat ay hindi na tama
Wala nang kapayapaan sa pagitan nating dalawa
Tila naubos na rin ang pagmamahal sa isa't isa

Bakit tayo humantong dito?
Kakaunti pa lamang ang kabanata nitong kwento
Bakit tila matatapos na ito?
Hindi na ba natin kayang ayusin ito?

Ika-limang kabanata
Puro iyakan at sumbatan
Parehong may kasalanan
Ngunit walang gustong humingi ng kapatawaran

Bakit tila bigla kang nag-iba?
Akala ko ba mahal mo ko, sinta
Pero bakit nagkaroon ng 'siya'?
Sa istoryang 'tayo' ang bida

At para sa huling kabanata ng kwento
Tila isa lamang pala akong extra dito
Na naging tulay lamang para mahanap mo ang para sayo
At hindi talaga tayo ang bida dito

Kasabay ng pagtatapos ng ating istorya
Tila ang panulat ay nauubusan na rin ng tinta
Sapagkat nahihirapan nang ipanulat pa
At ang papel ay tila wala na ring espasyo para sa kwento nating dalawa

Kung kaya't dapat ay tapusin na
Upang wala nang mahirapan pa
At sana'y maging masaya kayong dalawa
Sa kwentong 'ako' pala ang kontrabida

SPOKEN POETRIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon