Sa simpleng hi ang daming nagbago
Nakilala kita ng dahil dito
Ang sarap alalahanin ito
Na ng dahil doon nagkakilala tayo
Sa isang grupo ng kaibigan ko
Doon nakilala mo ako
Isinulat mo ang aking pangalan
At nagsimula ka ng magpakilala
Kinausap mo ako
Na parang kilala mo na ako
Sa dami at haba ng sinabi mo
Isa lang ang hindi ko malilimutan
Sinabi mong gusto mo ako kahit noon lang tayo nagkakilala
Pero noong mga panahong iyon
Iba pa ang aking gusto
Pero ang sabi mo'y hihintayin mo ako
Hanggang sa pinayuhan ako ng kaibigan ko
Subukan Kong mahalin ka kahit isang buwan lamang
At ito nama'y sinunod ko
Sinabi ko sayong susubukan ko
Susubukan Kong mahalin ka ng buong buo
At ngayon nga'y nagtagal tayo
Madami mang pagsubok ang dinaanan natin
Marami mang bagay ang nahirapan tayong lutasin
Isa lang ang masasabi ko
Ng dahil sa mga bagay na yun nagtagal tayo
Ilang beses man natin nasaktan ang isa't isa
Tinanggap at inunawa parin kita
Mahal na mahal kita
Sana'y tayo pa ay magtagal
Kasi ipinangako mahal
Di ka iiwan
At dito sa puso ko'y di ka papalitan
BINABASA MO ANG
SPOKEN POETRIES
PoetryPoetries can hide a lot of feelings. If you just learn to think deeper, you'll get what I mean.