PIRING
Sa mundo na kung saan
Katotohana'y nakabase sa opinyon ng karamihan
Hindi alam kung ano ang dapat paniwalaan
Kung kaya't mas piniling magbulag-bulaganSa lipunang ang tinatanggap lamang ay uso
Kakalimutan ang nakasanayan para sa pagbabago
Hindi papansinin ang sasabihin ng ibang tao
Masunod lamang ang kanilang gustoMaraming kabataan ang nalululong sa bisyo
Mga kabataang walang ginawa kundi magreklamo
Palaging may nasasabi patungkol sa ibang tao
Ngunit hindi naman tinitignan ang sarili nitoBakit ba ang hilig nating pumuna?
Kahit hindi naman sigurado ang mga mata
Madali para sa atin ang manghusga
At maniwala sa sabi-sabi nilaBakit tila tayo ay napiringan?
Ng mga taong tingin nila sa sarili'y makapangyarihan
Tinatakpan ng dilim ang liwanag ng katotohanan
Upang hindi na mabatid kailan pa manPapayag nalang ba tayo sa ganito?
Patuloy niyo nalang bang susuotin ang panyo?
Bakit hindi niyo subukang alisin ito?
At nang makita niyo ang totoong mundoSana ay naliwanagan na kayo
At nakita na hindi lang madilim ang mundo
Maraming katotohanan na nag-aabang sa inyo
Kailangan niyo lang harapin ang mga itoMarahil nagtataka pa rin kayo sa kung ano nga bang tama sa mundo
Isa lang ang masasabi ko
Na ang tama ay hindi nakabase sa kung ano ang uso
Kundi nakabase sa katotohanang pinagmumulan nitoAt para sa pagtatapos nito
Gusto ko lang sabihin sainyo
Na sanay huwag niyong hayaang mapiringan kayo
Upang maipakalat niyo ang katotohanang nakatago rito
BINABASA MO ANG
SPOKEN POETRIES
PoetryPoetries can hide a lot of feelings. If you just learn to think deeper, you'll get what I mean.