PANDACAN

114 4 0
                                    

Isang lugar na hindi ko malilimutan
Isang lugar na kaunti lang ang nakakaalam
At isang lugar na nakasaksi sa aking pighati at kaligayahan
Alam nyo ba simula nung napunta ako sa lugar na tinatawag na pandacan
Dito ko lang naranasan ang tunay na kasiyahan
Dito ko lang nakilala ang aking tunay na mga kaibigan
Mga kaibigan kong kasama ko
Sa lungkot at ligaya
Sa hirap at ginhawa
Mga kaibigan na aking naging sandalan
Sa mga problema na aking dinadala
Ipinakita sakin ng lugar na ito
Kung paano ibigin at mahalin ng totoo
At hindi ka iiwan hanggang dulo
Dito ko lang naranasan sa pandacan
Ang maglagkad kahit umuulan
Maglakad kahit malayo ang daan
Pero masaya dahil kasama ang kaibigan
Ito ung alaalang di ko malilimutan
At mananatili sa aking isipan
Na kahit minsan
Ako'y naging masaya
Kahit itoy pansamantala
Di ko kalilimutan
ang mga taong nagangat
At dumamay sa aking problema
Salamat sa inyo
Dahil akoy ginabayan
at minahal nyo
Salamat dahil sa inyo
Nalaman kong may halaga din ako
At higit sa lahat salamat sa maykapal
Dahil pinaranas sakin ang tunay na pagmamahal
Salamat sa kanya
Dun sa taong nasa itaas
Dahil kundi dahil sa kanya
Di ko makikita at makikilala
Ang mga kaibigan at lugar na ito
Sa pandacan ko lang naranasan
Ang maglibot kung saan saan
Habang naglalakad
Basta't kasama ang minamahal
Kada araw at oras na lumilipas
Mga lugar na aking nalalaman
At naiikutan
May mga istorya na nilalaman
Mga istorya na aking nasasaksihan
Mga taong naging parte ng lugar na iyon
Mga taong kagaya ko
Na walang ibang ginusto
Kundi ang makasama ang taong tinitibok ng puso
Mga taong kuntento
Na sa mga maliliit na bagay
Kung hindi nyo lamang alam
Ang Pandacan po ay isang napakagandang lugar
Ito ung lugar na may matututunan ka
Hindi nila masasabing gala ka
Kasi ang hindi nila alam
Na maraming istorya ang nakapalibot dito
Mga aral na iyong mapupulot
Mga istorya na akala mo
Sa libro o aklat mo lang mababasa
Pero ang di mo alam
Pandacan ang naging saksi
Ng mga istorya ng pagmamahalan
Ng di lang mga kabataan
Pati na rin ang mga katandaan
Alam nyo
Ang swerte ko
Dahil nakita ko
Ang napakagandang lugar kagaya nito
Napakaswerte ko
Dahil napabilang ako
Sa mga taong nakahanap ng totoo
Totoong saya
Na walang halong panloloko
Walang halong biro
Oo
Nasasaktan ako
Pero kahit ganun
Alam kong magiging okay din ako
Dahil andyan ung mga kaibigan ko
Na umaalalay saakin tuwing nadadapa ako
Dumadamay sakin
Kapag may problema ako
Kahit magkaiba ang paaralan
Na pinagaaralan
Di pa rin
Mawawala ang aming pagkakaibigan
Kaya ngayon ako'y nangangako
Na kahit anong mangyari sa buhay ko
Umalis man ako
Sa lugar na ito
Palagi kayong nasa puso't isipan ko
Pangako mga kaibigan ko
Magkaroon man ako
Ng bagong mga kakilala
Di ko kayo kalilimutan
Pati ang mga pagsasamahan
Na ating pinagsamahan
At dito sa lugar na hindi ko sinilangan
Salamat at pangako
Di ko kalilimutan
Na kahit minsan
Naging parte ito ng aking paglalakbay
Hinding hindi ko kayo malilimutan
At itong lugar na nakasaksi
Sa lahat

SPOKEN POETRIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon