Ano ba ang tama sa mundong ito?
Katanungang bumabagabag sa isip ko.
Puro kamalian nalang ang alam ko
Hindi na alam kung maitatama pa ba itoWala naman akong ibang gusto
Kundi kasiyahan ay matamo
Ngunit bakit palaging ganito
Paulit-ulit nalang ang pagkakamali koHindi ko na kayang magpatuloy pa
Kung ang lahat ang tingin sa aki'y masama
Mga kaibigan at kapamilyang nagsisilbing kalakasan
Ngayon ay dahilan na ng aking kahinaanKung kaya't akin ay pinulot na
Ang kutsilyong nag-aabang kanina pa
Dahan-dahang itinaas at itinutok sa aking katawan
Heto na kaya ang natitirang kasagutan?(Bago mangyari ang bagay na iyon)
Ako'y papalabas na sa aming paaralan
Lahat ng estudyante'y tila may pinagmamasdan
Pinilit kong makarating sa pinangyayarihan
At Doon ay aking natagpuan ang isang papel na naging dahilan ng aking kahinaanAgad na kinuha ko ito at tumakbo
Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko
Ang nais ko lamang ay makalayo sa impyernong iyon
At humihiling na sana'y isa lamang itong ilusyonPatuloy lang ako kahit ako'y naghihikaos
At ang mga paa ay puno na ng paltos
Hindi na iniintindi ang mga luhang bumubuhos
Hanggang sa tuluyan na akong napagod at naubosHuminga ako ng malalim at pinunasan ang mga luhang pumapatak
Dahil na rin sa sobrang pagod ang katawa'y kusang bumagsak
At para pang mula sa kalangitan ang layo sa sakit ng aking paglagapak
Nadaig pa ang anghel na nawalan ng pakpakIniisip ko nalang kung ano na ba ang dapat na gawin
At kung may tao pa kayang tatanggap sa akin?
Dapat pa bang magpatuloy kung gayong lahat ay tila gusto na akong paalisin
O dapat na bang sumuko at ang aking buhay ay tapusin(Bumalik sa umpisa hanggang sa pagtakbo)
Habang tumatakbo ay may humawak sa braso ko
Bigla akong hinila at kusang niyakap nito
Hinimas ang likod ko habang nakikinig sa mga daing ko
Pagkatapos ay ngumiti at sinabing "Nandito lang ako"Batid sa kaniyang mukha ang pagsasabi ng totoo
Kung kaya't sa kaniya'y sumama ako
Inilalayan ako nito patungo sa lugar ng pagbabago
At tuluyan nang naging masaya ritoSana'y tandaan niyo ito mga kabataan
Na hindi solusyon sa problema ang kamatayan
Dapat niyong malaman na sa gitna ng inyong mga laban
Ay may isang taong kayo'y sasamahan at hindi pababayaanMagpakatatag at matutong lumaban
Sapagkat maaaring maging kalakasan ang kahinaan
At ang mali ay maaari pang maitama
Hangga't may isang taong sayo'y naniniwalaMaging isa kang araw na nagbibigay ng liwanag
Sa kadiliman nang sa iba ay naaaninag
Maging mga tala ka sa kalangitan
Na handang tumulong sa buwan upang magbigay ng kaliwanaganAt tandaan mo na ang tama ay nakabase sa kung paano mo ito ipapakita
Sa paraan na walang nasasaktan at walang nagdurusa
Sapagkat ang TAMA ay hindi ginawa para makapanakit ng iba
Bagkus ay para MAITAMA ang pagkakamaling kanilang nagawa
BINABASA MO ANG
SPOKEN POETRIES
PoetryPoetries can hide a lot of feelings. If you just learn to think deeper, you'll get what I mean.