Miss you
Trigger Warning: Mention of suicide and Violence
Humangos ako ng malalim dahil sa lalaking nakasalubong ko kanina sa corridor.
Ano ba nanaman kasing trip ni Van, bakit lagi na lang niyang sinisira ang araw ko. Nakasimangot akong pumasok sa classroom.
Tinanguan na lamang ako ng professor na nagtuturo sa amin, buti na lang mabait ang professor namin ngayon hindi katulad ni Professor Gutierrez halos lamunin na ako ng buhay noong na-late ako sa klase niya.
Natanaw ko si Gio na nakatingin sa akin habang nakangiti, halos masilaw ako habang nakatitig sakaniya dahil sa tumatamang liwanag ng araw sa mukha niya na siyang nagbibigay depina sa itsura niya. Maganda ang panga, makapal ang kilay, manipis ang mga labi na kulay rosas at ang nagpahina sa akin ang mata niya na nang aakit ng tingin. Tila hindi man lang nagkamali ang diyos na ginawa siya.
Napabalik ako sa wisyo ng tawagin ng professor namin ang pangalan ko.
"Ferrer, kailan ang pageant niyo?" napaupo ako ng maayos at inayos ang sarili.
"This saturday Sir, coronation night po." tumango na lamang siya upang pag sang ayon.
"Okay, malapit na ang pageant class, lahat required na pupunta dahil may attendance!" narinig ko ang mga reklamo ng mga kaklase ko na siyang ikinatawa ko.
Attendance in college is a must.
"Understood!" sigaw ni sir sa amin at napatango na lamang sila.
Nagsimula ulit siyang nagturo sa harap habang ako ay iniisip kung ano ang mangyayari sa araw ng pageant.
Natapos ang discussion ng walang pumasok sa utak ko, inayos ko na ang mga gamit ko dahil kanina pa kumakalam ang sikmura ko.
"Sabay na tayo?" biglang sumulpot si Gio sa harap ko habang nakayuko na nakangiti.
Nasilaw ako sa pilak niyang earrings sa kanan niyang tenga.
"Sige, hintayin mo ako, hinahanap ko pa pera ko." kinalkal ko ang mga bulsa ng bag ko upang dukutin ang five hundred na pera ko.
Tinignan ko ng matagal ang pera ko, konti na lang, kailangan umabot ito hanggang biyernes, kundi magugutom ako at maglalakad na ako papasok at pauwi.
"Hmm why, are you okay Chel?" napabalik ako sa reyalidad at sinimulang maglakad papuntang cafeteria.
"Ayos lang ako." Natapos ang araw ng walang espesyal na nangyari, agad na kaninang nagpaalam sI Gio upang mag ensayo sa basketball, dahil malapit na din ang laban nila.
Naglakad ako pauwi, dahil kailangan ko na tipirin ang pera na hawak-hawak ko ngayon, dahil ang kita nila papa sa bukid ay hindi sapat dahil walang bumibili ng palay, himala na lang kung may bibili nito.
Nag aagaw ang dilim at liwanag, lagaslas ng mahinahon na hangin ang tanging nararamdaman ko. Tila sumasabay ang panahon sa pagkabigat ng nararamdaman ko.
Hindi ko alam kung bakit napapagod ako, pagod na ba ako dahil ang buhay ay paulit-ulit na lang, o pagod ako kasi ayoko ng mabuhay.
Kumapit ako sa strap ng bag ko at unti-unting tumulo ang luha ko. Bawat patak ng luha ko ay may kaakibat na sakit at pagod. Hindi ko maipaliwanag bakit sa bawat paglakad ko pinipigilan ko ang sarili ko dahil ang dating bahay na pahinga ko, ngayon napapagod na ako.
Pinunasan ko ang mga luha ko na kanina pa nag uunahang tumutulo, at hinarap ko ang mga taong dati kong pahinga, ngayon napapagod na ako.
"Ano nanaman 'yang ulam na 'yan, paulit-ulit itlog?!" bulyaw ni papa na siyang ikinasakit ng tenga ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/302936880-288-k556837.jpg)
BINABASA MO ANG
Shadows Of Doubt (Shadows Series #1)
RomansaSa taniman ng mga mirasol na mababango, sa karagatan ng mga luntiang mga damo, mahahanap ko ba ang tunay na pagmamahal na nanggagaling sayo o dudungisan mo lang ito ng pulang dugo? Chelsea Hillary Ferrer, she have a lot of insecurities and she th...