Reyalidad
Trigger Warning : Mention of Violence
Imbes na pagod ang maramdaman ko sa nangyari sa araw ko, saya at kaligayahan ang naramdaman ko.
Nakangiti akong nagpaalam kay Psyche na ngayon ay nasa harap ng gate namin ang sasakyan nila dahil nag abala pa siyang ihatid ako.
"Just take a rest, i mean beauty rest" tumawa kaming pareho at nakipag beso sakaniya.
"Thank you, Psyche" ngumiti ako at tumingin sakaniyang mga mata at kita ko rin kung paano kumislap ang ngiti niya.
"Bye, see you tomorrow pretty!" sabi niya bago isara ang pinto ng kanilang van.
Pinanood ko muna ang sasakyan na umalis, nang mawala ito sa paningin ko ay binuksan ko na ang gate.
Pumasok ako ng banayad dahil alam ko na natutulog na sila mama at papa pero mali ako, imbes na katahimikan at kapayapaan ang tumambad sa akin, nakita ko si mama na nakaluhod habang tumatangis.
Napabitaw ako sa dala ko na bag at tumakbo papalapit sakanila.
"Tangina mo! Wala akong babae bakit ba pinagpipilitan mo!" biglang namuo ang luha sa mga mata ko at kumirot ng bahagya ang dibdib ko.
"A-anong nangyayari dito ma, pa" mahinahon kong sabi habang salitan na nakatingin sakanilang dalawa.
Nakatingin ako kay papa na tanging galit ang nakikita ko na reaksyon niya.
"Si papa mo, may babae!" umalingawngaw sa tenga ko ang sinabi ni mama, nanghina ang tuhod ko at napahilamos sa mukha ko.
"Totoo ba pa? Tama ba ang narinig ko?!" hindi ko na na kontrol ang sarili ko at bigla na lamang akong sumabog.
"Pati ikaw naniniwala?!" agad niyang hinablot ang braso ko at sinabunutan niya ako at iginiya niya ako sa mukha niya.
Amoy ko ang alak at sigarilyo na namumutawi sa hininga niya.
Ramdam ko ang panginginig ng kamay niya habang hawak ang buhok ko. Kita ko ang mga ugat sa leeg niya na halos pumutok na sa galit.
Sakit at hapdi ang naramdaman ko sa anit ko.
"P-pa nasasaktan ako!" agad nagkarerahan ang mga luha sa pisngi ko.
"Wala akong iba! Naririnig mo kingina ka!" hinagis niya ako sahig at napayakap ako kay mama na ngayon ay nagngingitngit sa galit.
Narinig ko ang paghangos ng hininga ni mama at nagngitngit ang ngipin niya at pagsalikop ng kaniyang mga daliri.
"Saktan mo na ako, wag lang ang anak ko!" tumayo siya upang sampalin si papa pero bigo siya.
Sinuntok ni papa sa tiyan si mama dahilan para matumba si mama at namilipit sa sakit.
Niyakap ko si mama habang patuloy pa din ang pag iyak ko, tumingin ako ng matalim sakaniya at tumayo ako ng dahan-dahan.
"Hindi ikaw ang kilala ko na tatay ko" nanginginig ang mga kamay ko habang nagtatangis ang damdamin ko.
"Hindi ikaw ito pa" dahan-dahan ko na hinawakan ang pisngi niya, kanina na galit na ekspresyon niya at tila lumambot ito.
Umiyak ako sa harap niya habang hawak ang dalawang pisngi ni papa.
"Pa, sabi mo hindi mo ako sasaktan" nakita ko ang pamumuo ng luha niya at unti-unti itong bumagsak at napaluhod si papa sa harap ko.
Hagulgol at sakit ng iyak ang namutawi sa aming dalawa, lumuhod na din ako sa harap niya at niyakap siya ng mahigpit.
"I'm sorry anak, hindi ko sinasadya" hindi ko alam ang mararamdaman ko ngayon sakit ba o kailangan ko na magpatawad.
Si mama ay hindi ko na nahanap, baka pumasok na ng kwarto para magpahinga at kumalma.
Habang yakap-yakap ko si papa ay bumigat siya, narinig ko na humihilik. Kahit mabigat si papa ay inalalayan ko siya sa sofa at kinumutan ito.
Nanginginig pa rin ako sa nangyari, parang iba siya, ano kayang dahilan bakit tila nag iba ang pakikitungo sa amin ni papa.
Kaya niya pala akong saktan, kahit sarili ko pang magulang.
Sabi niya kasi noong bata ako "Hindi ko hahayaang saktan ka ng ibang tao" hindi pala ibang tao ang mananakit sa akin, sarili ko palang tatay.
****
Gumising akong mabigat ang katawan, ramdam ko ang pagod at sakit, kahit na huli na ako sa pasok ko ay naghanda pa din ako para pumasok.
"Anak, kain na" nakita ko ang likod ni papa na nagluluto ng pagkain.
Mukhang bumabawi sa ginawa niya kagabi sa amin.
"Hindi na po, busog ako" nakita ko ang biglang pag lungkot ng reaksyon niya.
"Sige anak, kain ka mamaya pag gutom ka ah, titirhan kita" masiglang sabi niya at tinuloy ang pagluto ng sinangag.
Hindi ko man mapatawad sa ngayon si papa, baka sa susunod na araw kaya ko na.
Nakita ko si mama na nakaupo sa upuan sa labas habang nagkakape na malalim ang iniisip.
"Ma, una na po ako, late na ako" hinalikan ko siya sa pisngi at tanging ngiti lamang ang sinagot niya sa akin.
Lumabas ako ng gate at sinimulang maglakad papuntang terminal ng jeep.
Late na ako ng twenty minutes pero ayos lang, magpapaliwanag na lamang ako ng maayos sa professor mamaya.
"Kuya pasakay!" pinara ko na agad ang jeep na papunta sa akin.
"Ay hindi po ako sasakyan para sakyan, yung jeep po hehe joke lang" nag peace sign siya.
Ay kuya hindi ako nakikipagbiruan, baka bigwasan kita.
"HAHA funny mo kuya" inirapan ko siya at pumasok na sa jeep.
"CLSU main gate po, paabot po" inabot ko sa babae ang bayad ko pero inirapan lang ako nito.
"May kamay ka teh, ikaw na" inirapan niya ako at nag tipa sa cellphone niya.
Aba, hindi ko nga abot, nasa malapit ako sa pintuan.
Jusko, anong pagsubok 'to lord.
Nakarating akong nakasimangot sa main gate dahil sa mga taong nakainteraksyon ko, kanina yung katabi ko hindi maitali ang buhok, alam kong hindi ako nag breakfast pero hindi ako kumakain ng buhok.
Isnukbit ko ang bag ko sa balikat ko at inayos ang sarili, kahit late rarampa pa din sa corridor like a main character.
Kailangan kahit late ka, slay ka pa din.
Ang bilis kong maging okay, parang kagabi lang ang bigat ng nararamdaman ko pero ngayon wala akong choice kundi maging maayos at masaya, dahil ayokong nakikita ng ibang tao na mahina ako.
Habang naglalakad ako sa corridor ay may nabangga ako.
At muntik na akong masubsob buti na lang nahawakan ako ng lalaking nakabangga ko.
"Next time, be careful, baka mabangasan yang maganda mong mukha" naamoy ko ang hininga niyang amoy menthol.
Agad kong pinalis ang kamay niya sa beywang ko.
"Oh calm down hot babe, hindi kita kakainin" nakita ko ang pagnanais sa mata niya habang umiigting ang panga, nanlaki ang mata ko at tinulak siya upang makadaan ako.
Pero hinawakan niya ang kamay ko.
Naramdaman ko ang kamay niya na mainit.
"One day, hindi mo na ako itutulak palayo sayo, ikaw na mismo ang magtutulak sa akin papalapit sayo" malalim at ma awtoridad niyang sabi.
Agad kong hinugot ang kamay ko sa kamay niya at naglakad palayo.
Hindi mangyayari 'yan, dahil isang lalaki lang ang itutulak ko papalapit sa akin.

BINABASA MO ANG
Shadows Of Doubt (Shadows Series #1)
RomanceSa taniman ng mga mirasol na mababango, sa karagatan ng mga luntiang mga damo, mahahanap ko ba ang tunay na pagmamahal na nanggagaling sayo o dudungisan mo lang ito ng pulang dugo? Chelsea Hillary Ferrer, she have a lot of insecurities and she th...