Chapter 1
4:57 PM
"Lahat ng umiiral na bagay at espasyo na isinasaalang-alang sa kabuuan; ang kosmos. Ang uniberso ay pinaniniwalaan na hindi bababa sa 10 bilyong light years ang lapad at naglalaman ng napakaraming galaxy; ito ay lumalawak mula noong likhain ito sa Big Bang mga 13 bilyong taon na ang nakalilipas."
Napangiwi nalang ako sa mga naririnig kong discussion ng prof namin sa science. Wala naman akong alam dyan, at mas lalong wala akong pake sa universe na yan. Ang bagal nya naman dyan, dapat uwian na eh! kainis.
"Yes, Ms. Sarmiento? May sinasabi ka?" Omg, nasabi ko ba yon? Sh*t 'di ko naman sinasadya yon huhu.
"Uhm, wala po sir." Ngumiti lang ako sa kanya tsaka nagfocus sa libro ko. Maya-maya lang ay tumunog rin ang bell sa wakas.
Kumuha na ulit ako nung bubble gum ko at nginuya ito. Bawal kasi mag bubble gum kapag nasa loob Ng klase, ang aarte.
I write stories, poetries and some brief quotes. My pen is my sword, and it is my strength. Hindi uso sa akin ang love, because I already found my true love sa paraan ng pagsusulat.
Hilig ko rin ang music dahil sabi nga nila, nagdurugtong lang ang buhay ng musika at ang mga nobela. Pinagkaiba lang ay sa paraan ng pag-awit ipinaparating ang mensahe at istorya ng musika.
Birthday nga pala ni daddy ngayon, dadaan nalang ako sa coffee shop, bibili ng coffee para sa kaniya total di naman mahilig sa sweets yon eh.
Ilang minuto lang sa paglalakad ay nakarating na ako sa coffee shop nang saktong bumuhos yung malakas na ulan. Wala akong dalang payong kaya sigurado akong tatambay ako dito ng ilang oras dahil sa lakas ng ulan sa labas kahit wala namang bagyo.
Inis akong um-order ng kape at cupcake pero pinabalot ko lang yung isa para kay daddy, at yung isa naman ay kakainin ko dito.
Papaupo na sana ako sa isang sulok ng coffee shop ng bigla akong inagawan ng upuan ng isang hinayupak na lalake na pangisi-ngisi na para bang inaasar ako. Tinaasan ko sya ng kilay tsaka ngumisi rin.
"Ang pwesto na iyan, ay AKIN." Umikot ikot siya na parang may hinahanap tsaka tumingin sa akin ng deretso.
"Walang. Pangalan. Mo. Miss." Matigas na sambit nung puny*tang lalake na nasa harap ko. Wala ng ibang upuan dahil umuulan ngayon kaya puno ang coffee shop. Bumuntong hininga muna ako at saka kumalma.
"Okay. Aalis ako." Tumalikod nako at saktong may nakita akong papaalis na babae pero muli akong tumingin sa kanya. "Pero etong sayo, Mr." Ngumiti ako sa kanya tsaka tinapunan yung maangas na damit nya ng cupcake.
Nag wave nako sa kanya at saka umalis. Inis na inis naman syang tumingin sa akin habang ako ay natatawa.
Pumunta ako sa bakante na inupuan ng babae kanina kung saan nakikita ko parin yung lalake. Nakita kong inirapan nya ko kaya ngumisi ako at saka dahan-dahang itinaas ang middle finger ko.
:>
Tinaasan nya ko ng isang kilay, wow sapakin ko kaya to? Maya-maya lang ay may lumapit sa kanya na babae at umupo sa tabi niya. In fairness, ang Ganda nung babae. Di sila bagay. Pero teka, parang kilala ko yung babae.
Di ko namalayang nakatitig na pala ako sa kanila magdamag habang nakabukas ng bahagya ang bibig ko, kaya napayuko ako dahil parang pinagtitinginan ako ng mga tao. Nananadya ata tong ulan oh, ayaw tumila. Gusto ko ng umuwi. -,-
"Elly?" Napatingin ako sa boses na tumawag sa pangalan ko. Gulat akong napatingin sa bestfriend ko dahil di ko inaasahang nakauwi na pala siya galing Canada. Tumayo ako agad tsaka yumakap sa kanya.
YOU ARE READING
Sansinukob
Teen FictionCOMPLETED Good Morning, Elly "An epitome of love and tragedy." Sansinukob ©UnspokenAreWritten [PHOTO NOT MINE; CTTO]