Chapter 12
9:07 AM
Pagkalabas ko ng simbahan ay napahinga ako ng malalim. Hindi ko maiwasang malungkot tuwing naiisip ko ang mga nangyayare sa buhay namin pareho ni Eros, bakit parang walang katapusan ang paghihirap at pasakit na dinadanas namin sa mundong 'to?
Noong isang buwan lang ay namatay si Dad, saglit kaming sumaya ni Eros nang takasan namin ang reyalidad pero ilang linggo rin ay nawala ang Dad niya at ngayon ay hindi ko pa siya nakakausap dahil nag-away kami.
"Ate, bili ka po Sampaguita." Napalingon ako sa isang batang babae na napakaliit habang bitbit ang mga Sampaguita na ibinibenta niya. Hindi ko maiwasang mapangiti dahil sa mga titig niya sa akin, at sa mga munting mata niya ay tila namulat na siya agad sa mundo na kung saan dumadanas ng paghihirap.
"Magkano ba lahat 'yan?" Bahagya naman siyang nagulat pero napangiti rin dahil mauubos na ang binebenta niyang napakabangong Sampaguita. Binilang niya naman kung Ilan ang dala niya at saka muling tumingin sa akin.
"Singkwenta po." Binigay ko na sa kaniya ang isang daan, bibigyan niya pa sana ako ng sukli pero sinabi ko na sa kaniyang kanya na iyon. Masaya naman siyang bumalik sa mga magulang niya kaya napangiti ako.
Nakasakay na ako ng jeep papunta doon sa may dagat dahil balak kong hanapin ulit ang nawawalang talambuhay(diary) ko. Lumipas ang isang oras at kalahati, narating ko rin iyon.
Sinalubong ako ng malakas na hangin at tunog ng mga alon sa karagatan kung saan nagpapaalala sa akin ang masayang pangyayari naming dalawa ni Eros. Sumayaw kami, naligo, nagtakbuhan at nagtawanan.
Sinimulan ko ang paghahanap sa mga buhangin at sinuyod ko ang dalampasigan pero bigo akong matagpuan ang talambuhay ko. Baka may kumuha non? O sadyang nawala lang talaga sa buhangin.
Napaupo nalang ako sa harap ng dagat habang bitbit ang Sansinukob na libro. Pinagpatuloy ko ang pagbabasa sa mapayapang lugar na iyon.
Seij's POV
"Do you want me to paint your beauty, Seij? Bakit ba 'di ka naniniwalang maganda ka?" Tanong ni Ck habang kumakain ng ice cream, kaming dalawa lang dito sa paborito naming lugar dito sa hospital kung saan kami namumuhay. Ang Rooftop.
"Kasi hindi iyon ang nakikita ko sa sarili ko, Ck. Sa tuwing humaharap ako sa salamin, nakikita ko ang sarili ko kaya nasasabi—" Tumitig siya sa'kin ng seryoso.
"I hope you can see yourself the way I see you." Napayuko naman ako doon at saka kinuha ang gitara ko. Hindi ko alam pero parang napangiti ang puso ko sa sinabi niya, tuluyan na ba talagang nahulog ang loob ko sa lalakeng ito?
"Anong iningiti-ngiti mo diyan?" Natatawang tanong niya at saka lumapit sa'kin. Sinimulan ko namang patugtugin ang aking gitara para hindi masyadong mahalata na kinikilig ako.
"Wala, ba't ka ba nangingialam? Lumayo ka nga!" Tumatawang sambit ko pero inakbayan niya lang ako dahilan para mas lalong kumabog ng malakas ang puso ko.
"Kita mo ba 'yan?" Turo niya sa napakaliwanag na buwan ngayon sa langit na nagsisilbing ilaw namin sa gabing ito. "Ganiyan ka ka-ganda, Seij." Inirapan ko lang siya pero sa totoo ay gusto ng makawala ng puso ko sa loob.
Bakit ba ganto ang epekto ng lalakeng to sa'kin?
"Hindi mapigil ang bugso ng aking puso
Sa tuwing ako'y papalapit sayo
Maaari bang hingin ang iyong kamay?
Hawakan mo't huwag mong bitawan..."
YOU ARE READING
Sansinukob
Teen FictionCOMPLETED Good Morning, Elly "An epitome of love and tragedy." Sansinukob ©UnspokenAreWritten [PHOTO NOT MINE; CTTO]