Chapter 2
9:36 PM
After a month, living without anyone feels like hell. Wala akong kausap, wala akong kasama. I was wrong when I thought that being alone is happy, but the truth is, it made me wants to die. There is no change every time I wake up in the morning, every night I close my eyes, and I wonder why I am suffering like this.
"Kung panalangin ko'y di marinig..."
Totoo ba naririnig ko? Someone's singing outside. Hindi kaya minumulto na talaga ako? Dali-dali akong lumapit sa bintana para i-check yung may puno sa likod ng kwarto ko. It was so dark, but I heard his voice.
"Abutin man ng bawat sandali."
"Hello? May tao ba dyan?" Sigaw ko at oo may narinig akong gumagalaw sa may puno. No one answered so I took my flashlight at inilawan ko ang bandang may puno. "Putangin*! Who the hell are you?" Sigaw ko nung makita ko ang isang lalake na may hawak na gitara pero teka, bat parang pamilyar sya.
"Calm down, miss. A-Ah! Wag mo iharap sakin yung flashlight mo, masakit sa mata." Reklamo niya kaya pinatay ko na yung ilaw at dali-daling tumakbo palabas ng bahay para suntukin yung lalake doon sa likod.
"Trespassing ka ha! Sinong nagpapasok sayo dito? Malamang wala kasi mag-isa lang ako dito tsaka-" Akmang susuntukin ko na sana siya ng bigla kong namukhaan kung sino iyon. "Eros?"
"Okay. Magpapaliwanag ako, okay? Malapit lang ang bahay ko dito, ayun oh." Turo nya sa kabilang bahay na malapit rin sa amin. "I thought this house was already abandoned and haunted. The owner of this house died, right-" Paliwanag niya.
"Daddy ko." Katahimikan ang naghari noong sinabi ko iyon, wala ni isa ang kumibo at nanatili akong nakayuko. "Kakalipat nyo lang dyan? Ang alam ko ay walang nakatira sa bahay na iyan." I asked.
"Uhm yes, 3 days ago. Btw I'm sorry, I am really sorry. Hindi na ako papasok ulit dito-"
"No. Pwede ka parin- I mean dapat alam ko, kasi baka masamang tao ka tapos... Alam mo na." Mahinang sabi ko.
"Ako? Masamang tao? Magkapitbahay nga lang tayo oh! Punta ka sa amin bukas." Sabi niya sabay turo sa bahay nila. Hindi ko pa siya kayang pagkatiwalaan pero susubukan ko.
Wala namang masama kung magkakaroon ako ng kaibigan. Kahit kausap man lang, or may ma-kasama? May isa akong kaibigan pero busy na siya sa sarili niyang buhay at I don't want to bother her anymore. Hinatid ko si Eros sa gate, at pumasok narin ako sa kwarto ko. Balik sa reyalidad. Tahimik na-
"ELLY!" Put*ngina naman oh! Nakakagulat! Agad kong binuksan yung bintana ko, at nakita ko naman sa kabilang bintana si Eros na napakalaki ng bunganga at ngiti sa labi habang may hawak na ice cream. "You want?" Nakangiting anyaya niya kaya medyo napangiti rin ako dun pero di halata.
"OO!" Sigaw ko rin para marinig niya. Natawa nalang din ako kasi para kaming timang na nagsisigawan kasi magkabilang-bintana kami. Wala din siguro tong magawa sa buhay kaya ako yung kinukulit.
Not bad, wala din naman akong kasama sa buhay so why don't I let him enter my boring and depressive world? Ilang minuto lang ay narinig ko ng bumukas ang gate at kumatok sa main door. Dala-dala niya ang dalawang cup ng ice cream, at isang box ng pizza. Nagtitigan lang kami magdamag.
"Di mo man lang ako papapasukin?" Napangiwi nalang ako doon. Naalala ko lang, nung nakaraang buwan lang ay nag-aaway kami sa coffee shop, nasuntok ko siya sa waiting shed at nag-iyakan sa cemetery.
"Come in, Mr Stranger." Inikot ko mata ko tsaka pumasok sa loob ng bahay pero bigla nalang tumakbo na parang si flash at parang kaniya yung bahay.
"Actually, matagal ko ng tinititigan tong bahay na 'to. Not gonna lie, mukha talaga siyang haunted. Wala bang multo dito?" Madaldal pala siya noh? Akala ko mysterious tapos tahimik na tao, ayoko pa naman sa maingay na tao.
YOU ARE READING
Sansinukob
Teen FictionCOMPLETED Good Morning, Elly "An epitome of love and tragedy." Sansinukob ©UnspokenAreWritten [PHOTO NOT MINE; CTTO]