Chapter 20
Last Chapter of Seij and Ck's story.
Seij's POV
3:45 PM
Inaalalayan ako ngayon ng isang lalake na hindi ko kilala, kanina pa siya umiiyak at hindi ko alam kung bakit. Ang huli niya lang sinabi sa akin ay uuwi na daw kami, wala akong ibang maalala kung hindi ang hospital, nakatira ako sa hospital dahil may sakit ako.
"Tumahan ka na." Sambit ko kaya agad siyang tumingin sa akin na may gulat sa mga mata. Agad-agad niyang pinunasan ang kaniyang mga luha at saka humarap sa akin.
"Naaalala mo nako, Seij?" Kumunot naman ang noo ko at muling tinignan ang palad ko kung saan may nakasulat na 'Ck' umiling lang ako sa kaniya dahil sa tuwing pinipilit kong alalahanin siya ay kumikirot ang ulo ko.
Nakita ko namang naging malungkot ang mukha niya at saka napayuko, napapansin ko ring namumutla siya ngayon kaya nakaramdam ako ng awa sa kaniya, walang tigil din ang pag-iyak niya mula kanina at sa hitsura niya ay halatang may dinadamdam siyang malubhang sakit.
"D-Darating na rin si Miss Jessi mamaya, Seij. Uuwi na t-tayo..." Nakangiting wika niya pero nanatiling nakatitig lang ako sa mga mata niya, bakit parang kumikirot din ang puso ko sa tuwing nakikita kong malungkot ang mga mata niya.
Inalalayan niya ako papasok sa isang malaking bahay at agad ko namang inilibot ang paningin ko doon, hanggang sa nakita ko ang balcony doon kaya dahan-dahan akong naglakad patungo doon.
Sinalubong ako ng napakalamig na simoy ng hangin, napapikit ako dahil doon pero sa di inaasahan ay may boses akong narinig sa utak ko, hindi ko alam kung saan nanggaling iyon pero dinig na dinig ko ang boses ng isang lalake habang nakapikit ako.
I love you, Elly.
Nang imulat ko ang mga mata ko ay diretsong tumama ang paningin ko sa mga mata ng lalakeng si Ck. Kumabog ng malakas ang puso ko dahil sa tingin niyang iyon, bakit parang malaking parte siya sa buhay at puso ko?
"I love you, Seij." Ngumiti siya sa akin nang ibulong niya iyon. Kasabay ng pagpatak ng kaniyang luha ay ang pagbagsak ng kaniyang katawan, hindi ko namalayang napaluha na din pala ako at niyakap siya.
Tinulungan ko siyang humiga sa kama at kahit na hindi ko siya kilala ay nasasaktan parin akong makita siyang nanghihina at namumutla ang mukha. Sobrang lamig ng kaniyang kamay ng hawakan ko ito, ngunit ngumiti lang siya sa akin at hinawakan ang pisngi ko.
"N-Napakaganda mo," Hinawi niya ang buhok ko at saka tinitigan ang mga mata ko. Sino ba talaga ang lalakeng ito, at bakit nasasaktan ako na makita siyang ganito.
Maya-maya lang ay itinuro niya ang nakabukas na malaking bintana kung saan kitang-kita ang papalubog na araw, naramdaman ko nalang na pumatak na ang aking luha. Muli akong nakarinig ng boses sa utak ko, kaya napahawak ako dito.
Elly, 'yung Sunset!
"S-Seij, S-Sun—set." Hirap na hirap na siyang magsalita, bumuhos ang aking mga luha habang nakatingin sa mga ngiti niya ngayon. Tuloy-tuloy narin ang pagpatak ng mga luha niya, pero ang mga ngiti sa labi niya ay hindi parin napapawi.
"I-I..." Huminga siya ng malalim dahil kitang-kita ko ang paghihirap niya, niyakap ko na siya ng napakahigpit. Dinig na dinig ko ang paghinga niya sa tenga ko, dinig ko rin ang paghikbi niya na siyang nakakapagpaluha pa sa akin.
YOU ARE READING
Sansinukob
Teen FictionCOMPLETED Good Morning, Elly "An epitome of love and tragedy." Sansinukob ©UnspokenAreWritten [PHOTO NOT MINE; CTTO]