Chapter 15

32 10 0
                                    

Chapter 15

9:14 AM

"Good Morning, Elly."

"Good Morning, Seij."

Hindi ko alam dahil sa pagkakataong iyon ay tila narinig ko rin ang boses ng isang lalake. Dahan-dahan akong napalingon sa lalakeng nakangiti habang nakatitig sa mga mata ko. Hindi ko namalayang tumakbo na ako sa kaniya at niyakap siya ng napakahigpit.

"Sorry, Eros." Umiiyak na sambit ko habang nakayakap parin sa kaniya, hindi ko alam pero parang ayaw kong bumitaw sa pagkakayakap kong iyon sa kaniya. Nararamdaman ko ring niyakap niya ako pabalik dahilan para mas lalo akong mapaluha.

"Wag mo 'kong iwan, please?" Pagsusumamo ko pa sa kaniya at saka bumitaw na sa pagkayakap. Tinitigan ko siya sa mga mata niya at nakikita kong namumuo rin ang mga luha niya doon habang napakalawak ng ngiti niya.

He just smiled at me as he raised his right hand,

"Promise." Tila nagbago ng kaunti ang mukha niya at napansin ko rin ang mga sugat niya sa braso. Hindi ko maiwasang malungkot habang pinagmamasdan ang Eros ngayon, na dati ay napakaingay at napakakulit.

"Bakit di mo sinabi sa'kin?" Pareho kaming nakatayo sa dulo ng rooftop habang pinagmamasdan ang napakagandang paligid.

"Kasi ayaw kong magbago 'yung treatment mo sakin. Baka kapag nalaman mong may sakit ako, 'di mo nako hahampasin." Tugon niya sabay tawa, inirapan ko naman siya.

"Nagtatampo kaya ako sayo." Sabi ko habang nakatingin lang sa may di-kalayuan.

"Aba, ako dapat 'yung magtampo. Unang-una, sinigawan mo 'ko doon sa dagat. Pangalawa, 'di mo ko dinalaw dito." Nakita ko namang nakasimangot siya kaya natawa ako.

"Hindi ko naman kasi alam na isang linggo ka na palang nandito, ang akala ko'y nagtatampo ka lang kaya di mo binubuksan 'yung bintana mo." Paliwanag ko sa kaniya, habang nakatitig ngayon sa dala-dalang libro ko.

Dapat ko na bang itanong sa kaniya kung sino ba talaga siya at sino ba talaga ang mga karakter dito sa kwento na 'to?

"Tara, Elly." Bigla siyang tumakbo habang hawak-hawak niya ang kamay ko kaya wala akong nagawa kung hindi ang sumama sa kaniya. Pababa kami ng elevator at saka dumeretso sa isang maliit na park na nasa likod ng hospital.

"Saan tayo pupunta?" Nagtaka ako dahil nandito na kami sa pinakalikod na bahagi ng hospital at inaamin kong nakakatakot ang lugar na iyon.

"Sampa mo 'yung paa mo." Tugon niya at saka tinulungan akong makaakyat sa bakod. Anong ginagawa namin dito?

"Hoy saan nga tayo—"

"Shh! Tatakas tayo." Nanlaki ang mga mata ko habang tinitignan si Eros ngayon na tumalon sa bakod. Hindi ba delikado ang gagawin namin para kay Eros?

Pareho kaming tumatakbo ngayon habang siya naman ay tumatawa at tila ba napakasaya ng araw niya ngayon. Hindi rin naman mapigilang mapangiti lalo na dahil nakikita ko kung gaano kasaya ang mga mata ni Eros.

"Saan nga tayo pupunta, Eros!" Hinahabol namin pareho ang mga hininga namin, ngayon ko lang din napansin na magkahawak-kamay parin kami. Napansin naman iyon ni Eros nang tignan ko ang mga kamay namin kaya napangiti siya. Ang akala ko'y bibitawan niya iyon pero mas lalo niya pa itong hinigpitan.

"Sa Lugar kung saan sasaya ka, Elly." Nakangiting tugon niya, muli kaming tumakbo at sinundan ko lang siya kung saan siya patungo. Madaming tao ang tumitingin sa amin lalo na kay Eros dahil nakadamit siya pang-pasyente ngayon pero parang wala namang napapansin si Eros.

Sansinukob Where stories live. Discover now