This was the day before Elly and Eros decide to go to Baguio.
Elly's POV
10 years ago
"Mom? I'm scared..." Walang tigil ang pag-iyak ko habang dinig na dinig ang lakas ng pagbuhos ng ulan at ang pagkulog na siyang nagdudulot ng kaba sa puso ko. Hindi ko alam kung paano ako matutulog dahil mukhang walang balak tumigil ang ulan, hindi rin ako makatayo para i-close 'yung bintana dahil sa takot.
Muling kumulog ng malakas kaya otomatikong napatayo ako at napasigaw, hanggang sa tila nabuhayan ako ng loob ng makita ang flashlight na nasa sahig. Agad akong yumuko para kunin iyon at agad inilawan ang buong paligid at itinapat iyon sa bintana ko ngunit nagulat nalang ako nang biglang may sumigaw sa kabilang bintana na nasa tapat ng kwarto ko.
"Aaaaaaah! Wag mo itapat ang flashlight sakin, masakit sa mata!" Doon ako napasigaw nang makita ko ang isang batang lalaki sa loob ng bintana ng kapitbahay namin, multo ba siya o tao? Omg!
"Miss, naririnig mo ba 'ko? Wag mo nga sabi itapat sakin yung ilaw!" Sigaw niya muli kaya naman napahinto ako sa pagtili at mas lalong itinapat sa mukha niya upang masiguro kong tao nga iyon. Confirmed, tao nga.
"Nang-aasar ka ba?" Doon ko nalang rin napagtantong tumila na ang ulan. Agad akong tumakbo sa pinto upang buksan ang ilaw, bumalik ako sa bintana ko para tignan kung andun parin 'yung kapitbahay kong Bata.
"Sorry, n-natakot lang talaga ako." Panghihingi ko ng tawad sa kaniya, binuksan niya naman ang ilaw ng kwarto niya at dali-daling sumampa sa bintana niya. Ngumiti siya sa akin at nag-thumbs up kaya naman kumunot ang noo ko at tinaasan siya ng kilay.
"Okay lang 'yon, bata..." Nakangising sambit nung batang lalaki kaya nalaglag ang panga ko, umusok ang ilong ko dahil sa sinabi niya at sumampa rin ako sa bintana para awayin ang bibwit na to.
"Bata ka rin 'no! Akala mo naman senior citizen ka na kung makatawag ka sakin ng bata!" Na offend ako dun ah! Tawagin ba naman akong Bata eh 8 years old nako, sus! Kung pwede ko lang mapiktusan ang batang 'yon, kanina ko pa ginawa.
"Eh anong gusto mong itawag ko sayo, baby?" Napaawang ang bibig ko nang sabihin niya iyon. Ginagalit talaga ako ng batang 'to eh! Kumuha ako ng isang teddy bear at binato iyon sa bintana niya dahilan para matamaan ang mukha niya, tumawa ako ng malakas para mas lalong mainis ang lalaking to. Maya-maya lang ay narealize kong favorite teddy bear ko pala 'yung naibato ko sa kaniya kaya naman,
"Uy, ibalik mo 'yung laruan ko." Tumaas naman 'yung isang kilay niya at maya-maya lang ay sumilay ang ngiti sa labi niya. Tila ba nang-aasar siya, unti-unting namuo ang luha sa mga mata ko at maya-maya lang ay tuluyan na akong umiyak. Agad namang pumasok sa kwarto si mommy at nilapitan ako.
"Anong nangyari, Elly? Binangungot ka ba?" Nag-aalalang tanong niya kaya naman umiling ako at muling tumingin sa batang lalaki. Nang magtama ang paningin namin ay dali-dali siyang nagtago sa ilalim para hindi siya makita ni mommy.
YOU ARE READING
Sansinukob
Teen FictionCOMPLETED Good Morning, Elly "An epitome of love and tragedy." Sansinukob ©UnspokenAreWritten [PHOTO NOT MINE; CTTO]