Chapter 24
Last Day in Baguio
Eros' POV
Bago pa dumami ang mga tao sa park na iyon ay umalis na kami. Ngunit hindi pa kami tuluyang nakapasok sa tinutuluyan namin nang makaramdam ako ng hilo kaya napatigil ako sa paglalakad. Kita ko namang nag-alala agad si Elly kaya ngumiti ako sa kaniya.
"O-Okay lang ako." Nag-thumbs up ako para hindi siya masyadong kabahan. Nagpatuloy na kami sa paglalakad ngunit hindi nagtagal ay nakaramdam ako ng sakit kaya napahawak ako sa bandang tiyan ko.
"A-Ah!" Namilipit ako sa sakit hanggang sa tuluyan na akong napaupo sa sahig. Nakita ko namang tumakbo si Elly patungo sakin habang umiiyak. Hindi ko mapigilang manghina lalo na dahil nakikita ko siyang lumuluha ngayon. Hirap na hirap na ako ngunit ngumiti ako sa kaniya para ipakitang okay ako.
Ramdam ko ngayon ang lamig, pero nagulat ako dahil nakaramdam ako ng unti-unting pagtulo ng likido sa ilong ko. Dahan-dahan kong kinapa ito, at tinignan ang pulang likido sa kamay ko. Mamamatay na ba ako?
"A-Ah!" Muling sigaw ko at namilipit sa sakit. Hindi ko na mapigilang mapaluha habang yakap-yakap ako ni Elly ngayon. Kakayanin ko pa ba? Ayaw kong iwan si Elly sa mundong 'to, ayokong maulit muli ang pag-iwan ko kay Seij.
Napansin ko ang mga maliliit na pulang batik sa aking balat, sobrang lamig ng pakiramdam ko ngayon at tila kahit anong oras ay mawawalan nako ng hininga. Gusto ng sumuko ng katawan ko pero ang puso ko ay lumalaban parin.
"E-Eros, lumaban ka lang please." Dinig na dinig ko ang paghikbi ni Elly kaya hinawakan ko ang kaniyang pisngi at kahit hirap ay ngumiti parin ako.
"M-Mahal na mahal kita..." Mahinang tugon ko, dahan-dahan akong tumayo para humiga sa kama dahil sa nararamdaman kong panghihina.
"E-Elly, matutulog muna ako saglit. G-Gisingin mo ako mamaya, O-Okay?" Nakangiting wika ko habang patuloy ang pag-agos ng luha niya, tila hindi ko na maramdaman ang katawan ko ngayon.
"G-Gigisingin kita ah?" Unti-unti kong itinaas sa ere ang aking kamay at nanumpa habang may ngiti sa labi. Halos hindi ko na maibuka ang aking bibig dahil sa panghihina, kusa ng pumikit ang aking mga mata, kasabay ng pagtulo ng aking luha.
"I love you, Seij." Ngumiti siya sa akin nang ibulong niya iyon. Kasabay ng pagpatak ng kaniyang luha ay ang pagbagsak ng kaniyang katawan, hindi ko namalayang napaluha na din pala ako at niyakap siya.
Tinulungan ko siyang humiga sa kama at kahit na hindi ko siya kilala ay nasasaktan parin akong makita siyang nanghihina at namumutla ang mukha. Sobrang lamig ng kaniyang kamay ng hawakan ko ito, ngunit ngumiti lang siya sa akin at hinawakan ang pisngi ko.
"N-Napakaganda mo," Hinawi niya ang buhok ko at saka tinitigan ang mga mata ko. Sino ba talaga ang lalakeng ito, at bakit nasasaktan ako na makita siyang ganito.
Maya-maya lang ay itinuro niya ang nakabukas na malaking bintana kung saan kitang-kita ang papalubog na araw, naramdaman ko nalang na pumatak na ang aking luha. Muli akong nakarinig ng boses sa utak ko, kaya napahawak ako dito.
Elly, 'yung Sunset!
"S-Seij, S-Sun-set." Hirap na hirap na siyang magsalita, bumuhos ang aking mga luha habang nakatingin sa mga ngiti niya ngayon. Tuloy-tuloy narin ang pagpatak ng mga luha niya, pero ang mga ngiti sa labi niya ay hindi parin napapawi.
"I-I..." Huminga siya ng malalim dahil kitang-kita ko ang paghihirap niya, niyakap ko na siya ng napakahigpit. Dinig na dinig ko ang paghinga niya sa tenga ko, dinig ko rin ang paghikbi niya na siyang nakakapagpaluha pa sa akin.
YOU ARE READING
Sansinukob
Teen FictionCOMPLETED Good Morning, Elly "An epitome of love and tragedy." Sansinukob ©UnspokenAreWritten [PHOTO NOT MINE; CTTO]