Parallel Universe

47 10 2
                                    

Parallel Universe

I waited for more than 5 decades, and now I am here inside my room, to behold the beautiful window of yours. But it was too dark there, you weren't there, Elly... I hope you're still here in parallel universe. I hope you would fullfil your promises to find me in another world.

I really do hope that we're still living under the same moon.

Sa ilalim ng asul na kalangitan,
Mga punong nagsasayawan,
Ibong masayang nag-aawitan,
Ito akong naghihintay sa kawalan.

"How much is this po?" Tanong ko sa isang babae dito sa Market ng Baguio. Nakita ko namang lumapit siya sa akin at bahagyang ngumiti. Pinagmasdan niya ng mabuti ang kwintas na napili ko, at nakangiting bumaling sa akin.

"Hindi ko alam ang dahilan, hijo ngunit tila may kakaiba akong naramdaman nang makitang hawak-hawak mo ang kwintas na iyan. Tila may koneksyon ang buhay mo sa kwintas na iyan." For some unknown reason, I smiled when she said that. Minsan ko narin nahawakan ang kwintas na iyon, sa ibang uniberso nga lamang.

"I'll buy it po." Tugon ko at pinagmasdan ang hugis E na pendant ng necklace na iyon. Siguro nabubuhay nalang ako para hanapin ang babaeng pinakamamahal ko.

"Hiraya Manawari," Biglang saad ng babae ng iabot niya ang kwintas sa akin. "Nawa'y maisakatuparan ang iyong kahilingan, hindi magtatagal ay matatagpuan mo na ang iyong matagal ng hinahanap." Kumabog ng malakas ang puso ko nang sambitin niya iyon, bago ako tuluyang tumalikod ay narinig ko ang kaniyang sinabi.

"Masayang namumuhay ang babaeng hinahanap mo sa mundong 'to," Nanlaki ang mata ko dahil hindi ko inaasahang sasabihin niya iyon. "At nagagalak akong malaman na hinahanap niyo pareho ang isa't isa." Tulala akong napatitig sa likod niya nang talikuran niya ako.

Hinahanap niya rin ako sa Sansinukob na ito?

"Ako nga pala si Alba..." Biglang sambit muli nang babae, nakangiti siya habang nakatitig sa papalubog na araw. Hindi ako makapaniwala sa mga naririnig ko ngayon, tila ayaw magproseso ng maayos ng isipan ko.

"Mauuna na ako sa iyo, hijo." Tuluyan na siyang naglakad papalayo, ako naman ay naiwang tulala parin. Unti-unti ng nanumbalik ang mga ala-ala ko, naalala ko na ang mga pangyayare sa ibang Sansinukob.

Napatitig nalang rin ako sa papalubog na araw, hanggang sa unti-unti kong maramdaman ang pagpatak ng ulan sa aking balat. Hindi nagtagal ay bumuhos na iyon kaya agad akong nagtungo sa kotse. Napahinga nalang ako ng malalim at sinimulang paandarin iyon.

Tahimik lang ang daan dahil umuulan din naman kaya wala masyadong tao sa daan, ngunit napahinto ako sa tapat ng isang simbahan. Hindi ko alam pero tila nanghina ang tuhod ko habang pinagmamasdan ang pintuan niyon. Kasabay ng pagpatak ng ulan, pumatak rin ang luha sa aking mga mata.

Our lady of atonement cathedral

"Eros, if only I could marry you over and over again, expect my answer to always be I do." —Elly

Nothing can stop my lifelong love for you. I don't know when my last day will be, but I pray to hug you until my last moment. I will marry you every day, because that is what I ask of God. Elly, the day I found you was the day I was found. And I am thankful that God let me meet you again, my Seij.

Sa harap ng simbahan, natatanaw ko ang altar sa di-kalayuan. Pinunasan ko ang mga luha sa pisngi ko, ngunit hindi ko na talaga mapigilan ang mga ito. Nanginig ang mga kamay ko, pati tuhod ko'y nanlambot kaya kusa akong napaupo doon. Umupo ako sa bandang likuran at taimtim na nagdasal.

God, thank you cause you let Elly live happily in this world. Kahit na hindi ko pa siya nahahanap sa Sansinukob na ito, masaya na akong malaman na masaya siyang namumuhay sa buhay na ito. At sobrang saya ko nang malaman kong parehong hinahanap ng mga puso namin ang isa't isa.

Sansinukob Where stories live. Discover now