Chapter 13

35 10 2
                                    

Chapter 13

5:37PM

Nakadungaw lang ako sa bintana ngayon habang tinatanaw ang Sunset sa malayo. Noong Friday lang ay masayang-masaya kami ni Eros habang pinagmamasdan 'yung Sunset sa dagat pero ngayon, linggo na at di ko parin siya nakakausap.

Nagulat ako ng marinig ko ang katok sa pinto kaya para akong nabuhayan ngayon. Si Eros na ba 'to? Na-miss niya na ba ako? Hindi na ako nagdalawang-isip na tumakbo palabas at buksan iyon pero na-dismaya ako ng makitang si Shae lang pala 'yon.

"Hindi ka ba masayang makita ako?" Bitbit niya ang dalawang box ng pizza, ngumiti na lang ako at saka niyakap siya. Pumasok na kami at naisipang manood ng movie, dito daw kasi siya matutulog kaya medyo sumaya ako.

"So kamusta 'yung buhay mo kasama ang maingay na kapitbahay?" Ngumiti siya na parang ini-echos ako pero ngumiti lang ako sa kaniya at saka umiling.

"Di kami okay ngayon." Sabi ko naman at saka kumuha ng pizza. Nagulat naman siya at napangisi naman ulit. Pareho kaming nakahiga ngayon sa bed sheets na nilapag namin sa sahig.

"LQ? Ikaw ha, baka inlove ka na dyan sa kapitbahay mo! Ano ngang name non?" Pang-eechos pa niya kaya inirapan ko naman siya habang natatawa rin. Siguro nga inlove nako kay Eros, di ko naman maitatanggi 'yun.

"Eros. Magkaibigan lang kami non." Parang di naman siya na-kumbinsi pero nanood na lang kami ng movie, maya-maya lang ay may inabot siya sa akin na paper bag kaya napatingin naman ako dun.

"Ano 'yan?" Nakangiting tanong ko sa kaniya, umirap naman siya.

"Refrigerator beh! Malamang, buksan mo para malaman mo." Napatawa naman ako sa kaniya at saka ko binuksan iyon. Sumilay naman ang ngiti ko nang makitang isang napakagandang notebook at mamahaling ballpen.

"Asan na ba 'yung Diary mo, na lagi mong dala-dala? Ilang years na 'yun ah!" Kumuha siya ng chips, di ko maiwasang malungkot dahil alam kong wala na talaga ang notebook kong 'yun.

"Naiwala ko—"

"Whaaaat?" Tumango naman ako sa kaniya. Lumapit naman siya sa akin para kumpirmahin sa'kin kung totoo 'yung sinasabi ko.

"Oo nga." Malungkot na sambit ko, hinawakan niya naman ang kamay ko.

"Highschool pa lang tayo, dala-dala mo na lagi 'yun ah." Sabi niya na para bang naaawa kaya ngumiti na lang ako at napatingin sa notebook na bigay ni Shae. Siguro tama nga si Eros, pwede naman akong magsimula ulit sa pagsusulat sa bagong notebook.

Kinabukasan, malakas ang buhos ng ulan at papasok na ako sa school kaya hinatid na lang ako ni Shae. Habang napadaan kami sa Waiting shed ay di ko maiwasang malungkot, sana naman makasabay ko pa si Eros ulit. Bakit ba ganto 'yung epekto nung lalakeng 'yun sa'kin? Noon, di naman ako masyadong nalulungkot kapag iniiwan ng kaibigan o kakilala.

"Bye, Elly." Sambit ni Shae pagkalabas ko, kumaway naman ako sa kaniya. Dala-dala ko ang payong ko ngayon dahil malakas nga ang buhos ng ulan, hindi ko alam pero napatingin na lang ako sa hallway papunta sa building nila Eros.

Sana makita ko siya sa campus, sana naman pumasok siya. Dumeretso na ko sa building ko at naghintay na matapos ang buong klase.

Tik Tok Tik Tok Tik Tok

Magdamag akong nakatitig sa wall clock dahil di ako makapagfocus sa discussion. Inis kong kinuha ang libro ko at saka nagbasa na lang para malibang.

Seij's POV

Sansinukob Where stories live. Discover now