What is Leukemia?
Leukemia is cancer of the body's blood-forming tissues, including the bone marrow and the lymphatic system. Many types of leukemia exist. Some forms of leukemia are more common in children. Other forms of leukemia occur mostly in adults. Leukemia usually involves the white blood cells.
Chapter 14
7:08 AM
Tila gustong sumabog ng puso ko dahil sa sobrang lakas ng pagtibok ng puso ko ngayon. Ayaw tanggapin ng aking tenga ang mga salitang binitawan ng step-mom ni Eros. Hindi, hindi totoo ang sinabi niya!
"Naalala mo ba nung sinabi ko sayong kaya ako pumayag na doon tumira si Eros sa Lola niya ay dahil alam kong doon siya sasaya. At dahil alam ko ring kahit makakabuti sa kalusugan niya ang pagiging masaya. Ayaw kong sakupin na ng tuluyan ng kalungkutan ang buong buhay ng batang iyon, Elly. Gusto kong kahit sa sandaling panahon ay maging masaya siya, kaya masaya din akong nakilala ka niya." Namumuo ang luha ni Tita habang sinasabi iyon.
Nakatitig lang ako sa kaniya pero hindi ko namalayang kanina pa tumutulo ang mga luha ko. Nanginginig ang kamay ko ngayon at nanglalambot din ang tuhod ko, tila kahit anong oras ay babagsak na ang katawan ko.
"Isang linggo na siyang naka-admit sa hospital, Elly. Kitang-kita ko ang lungkot ng mukha ni Eros, at alam kong dahil iyon sa hindi mo siya dinadalaw. Elly, he needs you." Umiiyak na wika niya habang nakatitig sa akin.
"S-Saang hospital po siya dinala?" Nanginginig ang buong katawan ko, at muntik na'kong mawalan ng boses nang itanong ko iyon sa kaniya. Nararamdaman ko parin ang pagpatak ng mga luha ko sa aking pisngi. Natigilan ako nang maalala ko ang mga pangyayare kung kelan ay alalang-alala ako sa kaniya.
Ilang beses tumulo ang dugo sa ilong niya.
Nakikita ko rin ang mga sugat niya sa braso.
Nakikita ko rin kung paano siya ilang beses muntikang matumba,
At lahat ng iyon ay sintomas sa sakit na Leukemia!
Ilang minuto lang ay nakarating kami ni Tita Cynthia, ang step-mom ni Eros, sa hospital kung saan naka-admit si Eros. Dahan-dahan lang ang paghakbang ko sa hallway ng hospital na iyon, hindi maganda ang nararamdaman ko sa tuwing nakikita ko ang mga pasyente at nag-iiyakang mga tao na namatayan.
Hawak-hawak ni Tita ang mga kamay ko na kanina pa nanginginig, hinigpitan niya naman ito ng kapit para hindi ako kabahan. Ano kaya ang madadatnan ko pagkapasok ko sa kwarto ni Eros? Sasaya kaya siya kapag nakita ako?
"Elly, huminahon ka lang. Alam kong nag-aalala ka kay Eros, don't worry makikita ko rin siya." Rinig kong bulong ni Tita kaya huminga ako ng malalim. Huminto kami sa Room 407, nakatitig lang ako sa number na iyon at tila parang may kuryenteng bumalot sa katawan ko ng basahin ko iyon.
Room 407
Saan ko nga ba nakita iyon o nabasa? Napansin naman ni Tita na naging balisa ako kaya ngumiti siya sa akin.
"Ayos ka lang, hija?" Tanong niya at tumango naman ako. Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto pero walang Eros na bumungad sa amin. Hindi kaya nagkamali kami ng napasukan?
"Matigas talaga ang ulo ng batang iyon!" Dinig kong sabi ni Tita habang tinignan ang bawat sulok ng kwarto ni Eros pero wala talagang Eros ang naroon. Natigilan ako nang makita ang mga pictures namin ni Eros sa bawat wall ng kwarto niya.
"Siya ang naglagay niyan." Nakangiting tugon ni Tita, hindi ko mapigilang mapangiti at pati ang puso ko ngayon ay nakangiti dahil hindi parin pala talaga ako kinakalimutan ni Eros. Puno ng pictures naming dalawa ang kwarto niya, at mga libro.
YOU ARE READING
Sansinukob
Teen FictionCOMPLETED Good Morning, Elly "An epitome of love and tragedy." Sansinukob ©UnspokenAreWritten [PHOTO NOT MINE; CTTO]