Chapter 18
5:27 AM
Seij's POV
Nanghihina ang katawan ko ngayon sa loob ng CR, gusto kong sumigaw pero ayaw kong may makarinig na iba sa dinaramdam ko ngayon. Ayaw kong sabihin kay Ck dahil alam kong di niya naman iyon sasagutin, pero alam ko na ang lahat ng nangyayare sa akin. Kahapon ay nagpanggap lang ako na hindi ko narinig ang sinabi ni Miss Jessi pero rinig na rinig ko at umiiyak na ang puso ko sa oras na iyon.
Madami na'kong nakakalimutan at unti-unti naring nabubura ang mga ala-ala sa buhay ko. Nanginginig ang kamay ko ngayon habang yakap-yakap ang sariling mga tuhod, at tahimik na umiiyak.
Kung kailan gusto ko pang mabuhay ng matagal ay siya namang pinagkait ng Tadhana sa amin ang kahilingan namin. Bakit ganito kahirap ang dinadanas namin ni Ck sa mundong 'to?
"Seij, matagal ka pa ba dyan?" Dinig kong tanong ni Ck kaya agad na akong tumayo at naghilamos. Nang tignan ko ang hitsura ko sa salamin ay hindi ko mapigilang mapaluha habang nakatingin sa maputla kong mukha at halatang sobrang hina ko na.
"Bakit ang tagal mo? Hula ko sumasayaw ka na naman sa CR noh?" Inirapan ko naman siya at saka tumawa. Umupo nalang ako at saka tinitigan ang isang notebook na hindi pamilyar sa akin. Itinaas ko naman iyon at saka pinatingin kay Ck.
"Ck, kaninong notebook ito?" Tanong ko sa kaniya habang nagtitingin pa ng mga libro. Ilang minuto na pero di parin siya sumasagot, muli akong tumingin sa kaniya pero nakatingin lang din siya sa'kin.
"Oy, iyo ba 'to?" Muli kong tinaas sa ere ang notebook pero napansin kong lumungkot ang mukha niya.
"D-Diary mo 'yan, Seij." Gulat naman akong napatingin sa notebook na iyon, hindi rin ako makapagsalita.
"T-Talaga?" Gusto kong sambitin iyon ng normal at walang halong kaba sa boses pero hindi ko mapigilang manginig. Ngumiti nalang ako kay Ck na ngayon ay nakatitig lang sa akin.
Binuklat ko naman ang pahina ng notebook na iyon, pero hindi ko maalala kung kailan ko iyon isinulat. At ngayon ay malinaw na sa akin na unti-unti na ngang nabubura sa isipan ko ang mga bagay na tungkol sa buhay ko, ang siyang higit kong kinakatakutan.
"Seij, may good news ako!" Nakahiga lang ako sa kama ko nang pumasok si Ck at mukhang may ibabalita. Wala ako sa mood pero dahil sa mga ngiti niya ngayon ay napangiti narin ako.
"Ano 'yon?" Nagtatakang tanong ko kung bakit ganoon siya masaya ngayon, lumapit naman siya at saka hinawakan ang mga kamay ko. Kinuha niya naman ang isang kamay ko at tinignan ang palad ko.
"Pupunta tayo ng Baguio!" Masiglang tugon niya dahilan para mapatalon ako sa bigla, hindi parin ako makapaniwala pero naghari ang saya sa puso ko kaya sumigaw na ako habang nakangiti.
"YES! Baguio papunta na kami ni Ck!" Sigaw ko nang makalabas na kami sa hospital, buong araw kaming nag-impake at tatlong araw kami doon kaya sobrang saya ko ngayon. Hapon na ngayon at ang maghahatid sa amin ay ang kapatid ni Miss Jessi na Kilala rin namin.
Nakita ko namang napaluha si Miss Jessi at saka diretsong niyakap ako. Hindi ko narin mapigilang mapaiyak kahit na sobrang saya ko ngayon, hinawakan niya lang ang ulo ko habang nakangiting nakatitig sa mga mata ko.
YOU ARE READING
Sansinukob
Teen FictionCOMPLETED Good Morning, Elly "An epitome of love and tragedy." Sansinukob ©UnspokenAreWritten [PHOTO NOT MINE; CTTO]