Chapter 3

50 12 14
                                    

Chapter 3

6:01 AM

"1, 2, 3-ilipad mo na."

Malakas na tinig mula sa aking panaginip ang aking narinig dahilan upang maalimpungatan ako. Napatingin ako deretso sa bintana at saktong Umaga na pala. Akmang tatayo nako ng biglang may sumigaw sa kabilang bahay.

"GOOD MORNING!" Napangiwi nalang ako nang makita ko kung gaano kalaki ang ngisi ng lalakeng nasa kabilang bintana. Eros, Eros, Eros. Nag stretching pa siya habang pinapakita yung muscles daw niya kaya natawa nalang ako.

Nagiging komportable na ba ko sa taong ito? Isang linggo nalang babalik na ulit kami sa klase. "Coffee?" Sigaw niya kaya napa 'Oo' nalang ako, alam ko namang mangungulit parin yon kapag umayaw ako. Napaupo nalang ako sa kama ko habang nakatingin sa kawalan.

Nagiging okay na 'ko ah? Pero bawal ba? Duh, wag mo na ngang kontrahin Elly, walang masama kung magiging okay yung buhay mo, as long as you're still breathing, do your part as a human being, be happy and live.

Malakas na buntong hininga ang pinakawalan ko, maya-maya lang ay may sumisigaw na naman sa labas. Eros, Eros, Eros.

"Good morning, here's your coffee." Bungad sa akin pagbukas ko ng pinto. Natawa nalang ako sa mukha niya kasi may maliit na muta pa sya sa mata. Takang-taka naman siyang nakatingin sa akin at parang nagtatanong.

"Good morning, Mr. Stranger, You have muta oh." Turo ko pa sa mata niya tsaka niya yon dali-daling kinuha. Tapos ngumiti na parang may halong hiya kaya mas lalo akong natawa. Kinuha ko na yung dalang kape niya, at dumeretso sa kusina. "May gusto kang ipaluto?-"

"Adobo, kaldereta, pancit, tapos uhm..."

"What the-" Pigilan niyo 'ko umagang umaga, inhale, exhale. "Ba't naman andami." Reklamo ko tsaka binuksan yung ref, kaka-grocery ko lang noong isang araw kaya medyo madami pa ang laman ng ref.

Madaming naiwan na business si dad, at mga lupain, at pera si dad bago siya nawala. Hawak ng bestfriend ni Dad yung mga naiwang business dahil wala naman akong alam dun, at pinagkakatiwalaan ko din si Tito Joe. Walang utang na naiwan, dahil bago siya nawala ay nilinis at binayaran niya na lahat iyon.

"Okay dalawa nalang, tutulungan naman kita eh." Bigla siyang sumulpot at nakitingin sa refrigerator.

"Marunong ka magluto?" Tanong ko sa kaniya, napailing-iling naman siya.

"Pero marunong ako magluto, nito, nito, tapos nito." Turo nito sa hotdog, egg, tsaka meat loaf. Binatukan ko siya ng mahina kaya naman napa-atras siya.

"Akala ko ba, Adobo, kaldereta tapos pancit. Di ka naman pala marunong." Binuksan ko yung isang refrigerator na may lamang karne ng baboy, tapos manok at iba pa.

"Edi..." Bigla siyang nakitingin ulit sa loob ng refrigerator. "Nood tayo sa YouTube." Nakangiting parang may Plano ang Eros na 'to kaya napabuntong hininga nalang ako at hinayaan siya na tulungan ako.

"Ano ba 'yan, Eros! Andaming asin na nalagay mo! Ampanget ng lasa niyan mamaya." Saway ko sa kaniya tsaka tinapik yung kamay niya na puno ng soy sauce.

"Edi, lagyan natin ng asukal para balanse yung lasa. Oh 'di ba?" Naka-smirk na sabi niya kaya muli ko siyang binatukan.

"Mas papanget yung lasa niyan. Sabi ko naman sayo isukat mo yung paglagay ng asin. Tinikman ko yung adobo na niluluto namin, at saka pinakiramdaman yung lasa. Medyo okay lang pero malalasahan mo parin na nadamihan ng asin.

Kumuha nalang ako ng Sprite at hinalo don gaya ng nakita namin sa video. Hinayaan ko munang maluto iyon at muling kumuha ng mga ingredients para sa kaldereta.

Sansinukob Where stories live. Discover now