Chapter 6

40 10 8
                                    

Chapter 6

2:30 AM

"Ikaw lamang ang aking minamahal
Ikaw lamang ang tangi kong inaasam
Makapiling ka habang buhay
Ikaw lamang sinta..."

Papauwi na kami pero di pa rin mawala-wala sa isipan ko ang mga kanta ng Silent Sanctuary. Sobrang tahimik at wala na masyadong tao sa kalsada dahil 2:30 AM na at tiyak aantukin na naman ako nito sa room bukas. Napatingin ako sa labas ng bintana at kahit madaling-araw na ay maliwanag ang paligid dahil sa buwan at—

"Napakaganda ng buwan, Eros." Dali-dali kong kinuha 'yung camera niya pero bigla siyang huminto sa gilid ng daan kaya napatingin ako sa kaniya.

"Labas tayo? Picture kita dali." We're both smiling as we went outside of the car. Nag-selfie rin kami dahil kahit na madilim na ay klarong-klaro parin naman ang mga litrato namin. Hanggang sa may napansin akong kakaiba na nakakuha ng atensyon ko malapit sa may puno. Gumuhit ang ngiti sa aking labi ng mapagtanto ko kung ano ito.

Walang pag-aalinlangan na tumakbo ako papunta sa ilalim ng isang malaking Puno at nasaksihan ko ang milyon-milyong alitaptap na masayang nagliliparan sa madilim na kapaligiran dito. Hindi ko mapigilang mamangha dahil sa angking ganda ng liwanag na dinadala ng bawat alitaptap doon.

Pag lingon ko sa likod ay nakatutok na pala sa'kin ang camera kaya naman agad ko itong inagaw sa kaniya.

"Pini-picturan mo ba ako?" Agad niya naman itong inagaw sa'kin at saka tumawa.

"Hindi 'no, 'yung mga alitaptap kaya 'yung vini-video ko." Tanggi niya naman at saka nagkunwaring may kinukunang view.

"Pwede bang kunin 'to?" Nagulat ako dahil nang ilahad ko ang aking palad ay may pumatong rito na alitaptap kaya naman mas lalong lumawak ang ngiti ko. "Kuha ka ng bote, Eros!" Gusto ko siyang dalhin sa bahay para maging pet kasi ang cute ng pwet niya, may ilaw na kulay dilaw.

"Ikukulong mo 'yan? Kawawa naman." Bigla akong napaisip, oo nga 'no. Forever naman siyang malulungkot sa loob ng kwarto ko, pinakawalan ko lang siya pero nagulat ako dahil muli itong lumipad papunta sa braso ko.

"Eros, sasama daw siya." Narinig ko naman ang tawa ni Eros sa likod ko kaya hinampas ko ng mahina 'yung braso niya.

"Iniisip mo bang nababaliw ako?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"Hindi 'no, natatawa lang ako. Edi dalhin natin 'yan pero wag mong ikulong, hayaan mo lang siyang lumipad."

Nakasakay na kami sa kotse pero 'yung alitaptap ay nasa balikat ko parin, ilang araw o buwan kaya nabubuhay ang isang alitaptap? Ilalagay ko nalang siya sa isang bote pero hindi ko tatakpan nang sa ganon ay malaya parin siyang makakalipad kung saan niya gusto.

Tsaka may malaking Puno rin naman malapit sa bintana ko kaya pwede siyang mabuhay doon. Possible kayang mabuhay ang isang alitaptap nang wala siyang kasama?

Ilang minuto lang ay nakauwi narin kami at saktong 3 AM na, at sure akong late na naman akong magigising nito bukas. Mabuti nalang ay wala pa kaming masyadong lesson kaya di ako mahuhuli sa aralin kapag nakatulog ako nito bukas.

"Good night, Elly. Good night, little firefly na ninakaw lang ni Elly sa may puno." Agad ko namang binatukan si Eros tsaka sinimangutan.

"Siya lang kaya 'tong kusang sumama, duh." Tinignan ko naman ang alitaptap na nakapatong sa palad ko, at mukhang natutulog. Sa totoo lang ay napakaliit nito pero dahil sa ilaw niya ay kitang kita ko parin siya.

"Good night." Saad ko at nauna ng pumasok sa main gate, bago ako natulog ay kumuha muna ako ng empty glass bottle at nilagyan iyon ng maliit na leaf para doon matulog ang munting alitaptap na ito.

Sansinukob Where stories live. Discover now