Chapter 16
3:07 PM
Nakarating na kami ngayon sa hospital habang nagpipigil kami pareho ng tawa. Kanina pa kami tumatakbo dahil sa mga aso sa kanto na humabol sa amin, eto kasing si Eros tumakbo agad kahit na wala pa namang ginagawa 'yung mga aso.
"Bakit ka ba kasi tumakbo! Tignan mo 'yung saya ko, kanina pa nginangatngat ng aso." Reklamo ko habang inaayos 'yung mahabang saya na binili namin kanina sa mall.
"Eh kasi feeling ko ngangatngatin ako ng buhay nung mga titig ng mga aso." Binalik niya na rin yung damit niya at saka ngumiti habang naka thumbs up sa akin. Inirapan ko naman siya, dala-dala ko parin ang librong Sansinukob habang naglalakad kami sa hallway.
"Jusko! Saan ba kayo nanggaling?" Salubong sa amin ni Tita Cynthia, tahimik lang naman si Eros na humiga at saka ngumiti. Sesermonan sana siya ni Tita Cynthia pero nang makita niyang nakangiti si Eros ay tila nagbago ang ekspresyon ng mukha niya.
"Sorry po, sinama lang ako ni Eros sa katarantaduhan niya." Napasimangot naman si Eros habang nakatingin sa akin, pinandilatan ko naman siya ng mata.
"Eros, sana wag mo parin pabayaan ang sarili mo." Tugon ni Tita Cynthia, ngumiti lang ito at saka ini-handa ang pagkain, tatanggihan sana namin dahil kaka-kain palang namin pero mukhang pinaghirapan iyon ng step-mom ni Eros kaya kumain na kami.
Lumabas naman si Tita Cynthia kaya kaming dalawa na lang ni Eros dito. Hinampas ko naman ng mahina ang braso niya, sinamaan niya naman ako ng tingin habang pinanlilisikan ko siya ng mata.
"Di mo ba inaalagaan sarili mo?" Napaiwas naman siya ng tingin.
"Inaalagaan ko kaya! Tignan mo oh." Ipinakita niya naman ang muscles niya kaya muli ko siyang kinurot ng napakahina para di siya masaktan.
"Eros, magpalakas ka. Di na tayo makakagala kapag nanatili ka dito ng matagal." Nakita ko namang lumungkot 'yung mukha niya, para akong nakaramdam ng kirot sa puso habang iniisip ko 'yung sinabi ko.
"Pangakong aalagaan ko ang sarili ko para makasama ka pa ng matagal." Hindi ko mapigilang mapangiti kaya tumalikod nalang ako at sinisigurado kong wala ng salamin doon.
"Kumain kana dyan." Tugon ko at saka nagkunwaring nagbabasa ng libro, lilingunin ko sana siya pero paglingon ko ay sobrang lapit na ng mukha namin sa isa't isa at ramdam na ramdam ko ang hininga niya.
Nanatili kami sa ganoong posisyon habang nakatitig lang ako sa mga mata niya. Iniwas ko na ang tingin ko at saka lumayo na ng kaunti. Nakita ko namang napangiti siya at parang kinikilig kaya agad siyang nagtaklob ng kumot.
Natawa naman ako sa ginawa niya dahil parang na-baliw na din siya. Tumayo na ako at saka inayos ang mga kalat sa kwarto niya para hindi na mag-abala si Tita Cynthia na linisin ang kwarto ng unggoy na 'to.
"Wala kang pasok ngayon, Elly?" Biglang tanong ni Eros sa likod ko habang ako nama'y nagtitingin sa mga pictures na inilagay niya dito sa kwarto niya.
"Meron, pero wag mo ng intindihin 'yun." Tugon ko.
"Nag-absent ka para sakin?" Napalingon naman ako sa kaniya na ngayon ay nakangisi, what the heck? Nagsalubong naman ang mga kilay ko, agad naman niyang tinakip sa mukha niya yung unan. Nababaliw na ba ang lalakeng 'to?
"Stop, Elly. Kinikilig ako, waaaah!" Natampal ko nalang ang noo ko, at saka pinagpatuloy ang pagtitingin sa mga pictures hanggang sa mapansin ko 'yung unang picture naming dalawa kung saan may pintura ang aming mga mukha. Hindi ko mapigilang mapangiti, iyon ang unang litrato naming dalawa.
"Elly, samahan mo 'ko." Tugon ni Eros at saka hinawakan ang kamay ko. Wala naman akong nagawa kung hindi ang sumama sa kaniya, sumakay naman kami ng elevator papunta sa huling palapag ng hospital. Doon ko lang napagtanto na sa rooftop kami pupunta.
YOU ARE READING
Sansinukob
Teen FictionCOMPLETED Good Morning, Elly "An epitome of love and tragedy." Sansinukob ©UnspokenAreWritten [PHOTO NOT MINE; CTTO]