Chapter 22

32 9 2
                                    

Chapter 22

Day One in Baguio

Eros' POV

Nagising ako ng alas-singko dahil naramdaman ko ang paghalik ni Elly sa noo ko, hindi ko mapigilang mapangiti dahil doon pero agad ring napawi iyon nang mapansin kong umiiyak siya.

"Bakit ka umiiyak? Elly, okay kalang?" Agad akong napaupo, napaatras naman siya at saka umiling. Nginitian niya lang ako kaya napangiti rin ako. Pinunasan ko ang mga luha sa pisngi niya.

"Wag kang mag-alala, walang mangyayareng masama sakin sa biyahe natin. Kakayanin ko, tsaka malakas kaya ako." Pinakita ko naman sa kaniya ang mga muscles ko kaya natawa siya. Mas lalong sumasaya ang puso ko kapag nakikita ko ang ngiti sa labi niya, mas lalo nitong pinapalakas ang katawan ko.

"Wait lang," Magtitimpla na sana ako ng kape ng biglang magsalita si Elly kaya napalingon ulit ako sa kaniya.

"Good Morning, Eros." Napangiti ako dahil doon, napapansin kong namumutla siya kaya lumapit ako sa kaniya para tanungin kung masama ba ang pakiramdam niya pero agad siyang umiling.

"T-Tapos nakong magkape, Eros." Napanguso naman ako dahil doon, muli akong napatingin sa wall clock at kaka alas-singko palang kaya makakapaghanda pa ako. Napansin ko namang walang ibang gamit na dala si Elly pero sabi niya ay nasa kotse na raw iyon sa labas.

Mabilis pa sa limang minuto ay natapos nakong maghanda ng mga gamit. Sobrang excited ko, agad akong napangiti ng makita si Elly sa loob ng kotse ko. Pumasok na ako doon at saka nilagay ang aking camera sa harap ng kotse para kunan ang masasayang pangyayare sa araw na ito.

"Anong gusto mong song?" Tanong ko sa kaniya, napalingon naman siya sa akin. Sumilay ang ngiti sa labi niya nang may maisip siyang kanta.

"Yung favorite song ni mommy, Heaven Knows." Agad ko iyong ni-search at pinatugtog. Bago ko simulang paandarin ang aking kotse ay muli kong nilingon si Elly na ngayon ay masayang nakatitig sa akin.

"Good Morning, Elly." Sinimulan kong paandarin ang aking kotse kahit na medyo madilim pa ang daan pero hindi naman ito alintana dahil may mga ilaw naman sa dalan kaya kitang-kita ko parin kung saan kami dadaan.

"Sabi nila sobrang lungkot daw kapag nasa Baguio ka." Biglang tugon ni Elly kaya napalingon ako sa kaniya saglit pero agad ko ring itinuon ang aking paningin sa daan.

"Bakit naman? Ang ganda kaya sa Baguio tsaka madaming magagandang Lugar na puntahan dun." Pagdedepensa ko pa kaya natawa naman siya.

"Hindi ko naman sinasabing panget. Nagiging malungkot ang Baguio dahil sa kakaibang klima nito, mararamdaman mo yung lamig ng simoy ng hangin." Paliwanag pa niya. Sabagay, ang Baguio nga lang 'yung may pinakamalamig na klima dito sa Pilipinas.

"Kaya ba sinulat mo 'yung huling chapter nila Seij at Ck sa Baguio dahil iyon ang favorite place mo?" Tanong naman niya kaya napangiti ako ng kaunti.

"Ngingiti-ngiti mo diyan? Masama parin loob ko sayo kasi bakit ganon 'yung ending ng kwento! Ang saklap, che!" Pagsusungit naman niya kaya mas lalo akong natawa.

"Sorry na, sinunod ko lang naman yung flow ng story eh." Natatawang sambit ko kaya mas lalo siyang nagtaray.

"Kahit na! Pwede mo paring isulat na gagaling sila, tapos masisilang yung baby ni Seij. Ang sama mo sa part na 'yon." Nanatili lang siyang nakatingin sa bintana habang nakasimangot. She's so cute.

"Possible din kayang gagaling ako?" Hindi ko namalayang nasabi ko pala iyon, ramdam ko ang titig ni Elly sa akin kaya nag peace sign ako sa kaniya.

"Gagaling ka, Eros. At gaya ni Ck ay makukuha mo ang diploma mo, promise mo 'yan sakin na matatapos mo ang pag-aaral mo. Gusto kong makita ka na suot ang toga mo, okay?" Itinaas ko naman sa ere ang aking kamay at nanumpa. Natawa naman siya ng kaunti.

Sansinukob Where stories live. Discover now