Chapter 25

40 11 0
                                    

Chapter 25

Eros' POV

Naramdaman ko ang unti-unting pagpatak ng ulan doon pero nanatili akong tumatakbo habang hinahanap si Elly sa Market na iyon. Pinagtitinginan parin ako ng mga tao pero balewala sa akin iyon dahil sa sobrang lakas ng kabog ng puso ko.

"ELLY, NASASAKTAN NA'KO!" Nang makaramdam ako ng matinding pagod ay kusa na akong napaupo sa lupa habang hinahayaang balutin ng lamig ang buong katawan ko at basang-basa na ako. Ramdam na ramdam ko ang panginginig ng mga kamay ko pati tuhod ko ay nanglalambot rin.

Bigla kong naaalala noong biyahe namin papuntang Baguio, 5 AM non nang magising ako at umiiyak siya. K-Kaya ba umiiyak siya noon ay dahil p-patay na siya? Pero hindi, may video ako non at mga pictures na kinuha. Agad akong tumayo at kahit hirap na hirap na ay nagtungo ako sa kung saan naka-park ang aking kotse.

Dali-dali kong kinuha ang camera ko at tinignan ang video namin ni Elly papuntang Baguio. Parang namanhid ang buong katawan ko nang makita ang sarili kong mag-isang nakangiti sa video na iyon, tuluyan ng bumuhos ang mga luha ko nang makitang walang nakaupo sa passenger seat noong mga araw na iyon.

Gusto kong sumigaw pero tila walang boses na lumalabas sa bibig ko. Ayaw kong maniwala dahil sa daming lugar na pinuntahan namin sa Baguio kasama siya, nahahawakan ko siya pero bigla kong naalala na sobrang lamig ng kamay niya at namumutla din siya.

Nagising ako ng alas-singko dahil naramdaman ko ang paghalik ni Elly sa noo ko, hindi ko mapigilang mapangiti dahil doon pero agad ring napawi iyon nang mapansin kong umiiyak siya.

"Bakit ka umiiyak? Elly, okay kalang?" Agad akong napaupo, napaatras naman siya at saka umiling. Nginitian niya lang ako kaya napangiti rin ako. Pinunasan ko ang mga luha sa pisngi niya.

"Wag kang mag-alala, walang mangyayareng masama sakin sa biyahe natin. Kakayanin ko, tsaka malakas kaya ako." Pinakita ko naman sa kaniya ang mga muscles ko kaya natawa siya. Mas lalong sumasaya ang puso ko kapag nakikita ko ang ngiti sa labi niya, mas lalo nitong pinapalakas ang katawan ko.

"Wait lang," Magtitimpla na sana ako ng kape ng biglang magsalita si Elly kaya napalingon ulit ako sa kaniya.

"Good Morning, Eros." Napangiti ako dahil doon, napapansin kong namumutla siya kaya lumapit ako sa kaniya para tanungin kung masama ba ang pakiramdam niya pero agad siyang umiling.

"T-Tapos nakong magkape, Eros." Napanguso naman ako dahil doon, muli akong napatingin sa wall clock at kaka alas-singko palang kaya makakapaghanda pa ako. Napansin ko namang walang ibang gamit na dala si Elly pero sabi niya ay nasa kotse na raw iyon sa labas.

Mabilis pa sa limang minuto ay natapos nakong maghanda ng mga gamit. Sobrang excited ko, agad akong napangiti ng makita si Elly sa loob ng kotse ko. Pumasok na ako doon at saka nilagay ang aking camera sa harap ng kotse para kunan ang masasayang pangyayare sa araw na ito.

"Anong gusto mong song?" Tanong ko sa kaniya, napalingon naman siya sa akin. Sumilay ang ngiti sa labi niya nang may maisip siyang kanta.

"Yung favorite song ni mommy, Heaven Knows." Agad ko iyong ni-search at pinatugtog. Bago ko simulang paandarin ang aking kotse ay muli kong nilingon si Elly na ngayon ay masayang nakatitig sa akin.

"Good Morning, Elly." Sinimulan kong paandarin ang aking kotse kahit na medyo madilim pa ang daan pero hindi naman ito alintana dahil may mga ilaw naman sa dalan kaya kitang-kita ko parin kung saan kami dadaan.

Heaven Knows

She's always on my mind
From the time I wake up
'Till I close my eyes
She's everywhere I go
She's all I know

Sansinukob Where stories live. Discover now