Chapter 17
3:45 AM
Nang mapalingon sa akin si Eros ay pareho kaming di alam ang magiging reaksyon habang nakatitig sa isa't isa dahil parehong puno ng mga luha ang mga pisngi namin. Maya-maya lang ay agad siyang tumayo at saka nag-hilamos. Pagkatapos niyang gawin iyon ay diretso siyang tumingin sa akin habang nakangiti, at sa mga ngiti niyang iyon ay tila nadudurog ang puso ko dahil alam kong nagpapanggap na naman siya.
"Good Morning, Elly..."
Hindi ko alam ang dahilan pero bigla nalang akong napaluha nang sambitin niya ang mga salitang iyon na tila ba, huling bati niya na iyon sa akin. Hindi ako makagalaw kaya siya na 'yung kusang lumapit at niyakap ako ng napakahigpit.
"Wag ka ng umiyak, please?" Dinig kong tugon niya habang nararamdaman ko din ang paghagulgol niya habang nakayakap sa akin. Wala akong ginawa kung hindi ang yakapin lang siya, gusto kong sulitin ang mga Oras na ito na nayayakap pa kita, Eros.
"Elly, tahan na." Pagsusumamo niya, bumitaw siya ng kaunti at hinalikan ang noo ko. Tumitig siya sa akin ng diretso at kitang-kita ko parin sa mga mata niyang naluluha siya pero mas pinili niyang ngumiti at ipakita sa akin na okay siya kahit ang totoo ay hindi.
"Hindi kita iiwan," Inirapan ko naman siya at saka ngumiti ng kaunti. Tumawa naman siya kaya hinampas ko siya sa giliran niya.
"Promise?" Pareho na kaming nakadungaw ngayon sa bintana niya kung saan kitang-kita ang lawak ng siyudad, kahit na madilim pa ay nakikita ko parin ang kagandahan nito.
"Promise. Iiwan lang kita kapag may nakita akong prutas na orange na kulay blue." Nakangiting tugon niya kaya sinamaan ko naman siya ng tingin at saka natawa nalang din.
"Elly, paano kapag color blue na nga 'yung orange edi di na orange yung name niya?" Mas lalong sumama ang tingin ko sa kaniya, ano ba namang klaseng tanong 'yan.
"Kapag ba ikaw pinalitan ng damit at kulay, di na ikaw si Eros?" Binalik ko lang rin sa kaniya 'yung tanong niya. Muli naman siyang nagtanong sa akin.
"Kapag ba nasa ibang mundo ka, hindi na ikaw si Elly?" Napangiwi nalang ako at saka umalis na doon.
"Bahala ka nga." Kumuha ako ng mainit na tubig at kumuha ng dalawang tasa. Agad naman nakisabat si Eros at inagawan ako ng pwesto.
"Ako na dito, kamahalan." Nakangising sabi niya, inirapan ko nalang siya at saka naupo sa higaan niya kung saan nakita ko ang librong Sansinukob.
Ck's POV
Nang imulat ko ang mga mata ko ay tumambad sa akin ang magandang mukha ni Seij, hindi ko mapigilan ang pagngiti dahil sa taglay na kagandahan ng binibining ito. Nagtaka ako dahil umiiyak siya ngayon, mahirap man ay bumangon parin ako kahit na hinang-hina ang katawan ko.
Saglit ko siyang tinitigan pero nanatili lang siyang nakangiti habang lumuluha, at tila dinudurog nito ang buong mundo ko kapag nakikita ko ang lungkot sa mata ng babaeng nilalaman ng puso ko.
"May masakit ba? Seij? Are you okay?" She didn't say anything, she just hugged me without any words. Nang bitawan niya ako ay agad niyang kinuha ang isang Plato na may lamang pagkain.
Tinanggap ko iyon at kumain kahit na wala akong ganang kumain, pinipilit ko parin para lumakas ako at di na iiyak ulit si Seij. Ilang minuto lang ang lumipas ay nanatiling tahimik si Seij kaya hinawakan ko ma yung kamay niya.
"Seij, may problema ba?" Umiling naman siya.
"Ahh ka nga." Ibinuka ko ang bibig ko, ginaya niya naman.
YOU ARE READING
Sansinukob
Teen FictionCOMPLETED Good Morning, Elly "An epitome of love and tragedy." Sansinukob ©UnspokenAreWritten [PHOTO NOT MINE; CTTO]