Chapter 8
6:00 AM
"ELLY!" Dinig kong sigaw ni Eros, ahh umagang-umaga! Padabog kong binuksan ang bintana ko at saka tinignan siya ng napakasama habang siya naman ay naka-peace sign at nakangiti.
"Ang ingay mo, pasalamat ka talaga at ako lang 'yung kapitbahay mo na mahaba ang pasensya. 6 AM pa, Eros. Patulugin mo muna ako, okay?" Napasimangot naman siya kaya sinara ko na 'yung bintana at muling humiga pero ilang minuto lang ay bigla kong narinig ang ingay mula sa kwarto ni Eros. Napasigaw nalang ako sa inis sabay bukas ng bintana, nakangiti naman siya at saka ni off 'yung malakas na music.
"Good Morning, Elly." Excited na saad niya habang nagsasayaw pa, hindi ko alam kung matatawa ako o maaasar sa ginagawa niya. Mabilis na natapos ang klase namin kahapon at ngayon naman ay wala kaming pasok. Weekend naman bukas kaya wala ring pasok, hindi ko alam kung anong gagawin ko dito sa bahay—
"Beach tayooooo!" Biglang sigaw ni Eros kaya naman napalingon ako sa kaniya, hawak-hawak niya ang susi ng kotse niya. Sira na ba utak nito, o nangti-trip lang 'to?
"May ubo ba utak mo, Eros? Ang layo ng dagat mula dito 'no." Napaisip naman siya pero ngumiti parin siya na parang walang makakapigil sa kaniya.
Nasa loob na kami ng kotse niya ngayon at nagtitingin naman siya sa google map kung saan ang pinakamalapit na dagat at hindi naman pala talaga masyadong malayo ang dagat dahil 2 hours lang ang biyahe papunta roon mula dito. Nag-impake na kami at nakita ko si Eros na sinesermonan ng daddy niya pero naglalakad lang naman siya na parang walang naririnig hanggang sa makarating siya sa loob ng kotse at ngumiti.
"Pinayagan ka?" Natatawang tanong ko sa kaniya, sumimangot naman siya nung nakita niyang tinatawanan ko siya.
"Hindi naman ako nagpaalam." Napa-smirk siya dun, madami kaming gamit na nasa likod ng kotse at balak naming huminto muna sa may 7/11 para bumili ng mga pagkain. Yeah, fooooooods.
Maaga pa kaya walang tao sa loob ng 7/11, nagulat ako sa sobrang daming pagkain na hawak ni Eros. Tinignan ko naman siya ng masama at saka binatukan ng mahina.
"Balak mo bang magtayo ng sari-sari store?" Kita ko naman kung paano napatawa 'yung mga nagbabantay sa 7/11, napakamot naman si Eros sa batok niya tsaka ibinalik 'yung mga di namin kailangang pagkain.
Madami parin siyang pinamili at kung anu-anong drinks ang nilagay niya pero wala nakong nagawa dahil baka nagugutom at nauuhaw na talaga itong kasama ko. Nasa loob na kami ng kotse ngayon sa parking lot ng 7/11, iinom na sana si Eros ng softdrinks nang pigilan ko siya.
"Wag kang uminom ng softdrinks kasi wala pang laman 'yung tiyan mo." Sabi ko sa kaniya at saka kinuha yung bag ko.
"Eh kumain naman na 'ko nito ah." Itinaas niya iyong chichirya na malaki na kinain niya kanina.
"Kanin kasi dapat or something na healthy para di sumakit 'yung tiyan mo." Umirap ako sa kaniya tsaka binigay sa kaniya 'yung binaon kong kanin, may kasama narin iyong hotdog at bacon. Dalawang baunan ang dinala ko dahil para saming dalawa ni Eros 'yon.
"Yan kainin mo." Lumiwanag naman ang mukha niya at saka kumain na parang ilang buwang di nakakain. Hirap naman mag-alaga ng bata. Kumain narin ako kasi kanina parin kumakalam ang sikmura ko, nagugutom na ata mga alaga kong bulate.
Ilang minuto lang ay natapos narin kami at handa na kaming sumabak sa mahabang biyahe papuntang dagat.
"2 hours talaga 'yung biyahe? Ahhh." Hindi pa nangalahati ang oras ay mukhang napapagod na ang aking driver. Babatukan ko sana siya kaso siya pala 'yung nagda-drive baka ibangga niya tong kotse.
YOU ARE READING
Sansinukob
Teen FictionCOMPLETED Good Morning, Elly "An epitome of love and tragedy." Sansinukob ©UnspokenAreWritten [PHOTO NOT MINE; CTTO]