Chapter 5

42 10 6
                                    

Chapter 5

2:30 AM

"Are you sure that blood was just nothing?" He's trying to ignore it as if it's just nothing to worry about. "Okay, fine." Kausap ko siya ngayon sa bintana as always, Kakauwi lang namin dahil nag panic ako nang makita 'yung madaming dugo sa ilong niya.

"Sungo nga lang 'yun, ano ka ba." Hawak niya ngayon 'yung libro na binabasa ko, pinahiram ko na siya kasi kanina pa nangungulit. Binabasa niya naman 'yung unang page ng libro at saka napangiti.

"Life has a limit, but my love for you is eternal."

Basa niya sa unang pahina ng nobela, napangiti naman ako habang pinapakinggan 'yung prologue ng Story. Hindi man pang habang buhay ang buhay ng isang tao, pero 'yung pagmamahal ay umaabot ng ilang siglo hanggang sa kabilang buhay.

"Death is not the opposite of life, but a part of it."

Sa isang nobela, hindi kabaliktaran ng wakas ang simula, marahil parte ito ng libro at istorya. Nangangahulugang ang buhay ay may katapusan, at ito ang naghihintay na araw ng kamatayan.

"Mahilig ka rin naman pala sa tragic." Sabi niya habang nanatiling binabasa 'yung simula ng kwento.

"Oo, 'di ako masyadong naniniwala sa happy ending." Sagot ko at saka pinagmasdan ang hawak hawak kong ballpen. "Kahit ang panulat na ito ay nauubusan ng tinta." Sabi ko pa.

"2:30 na, tulog na tayo." Huminga siya ng malalim pero nanatili akong nakatitig sa ballpen ko.

"Eros, sa tingin mo paano magwawakas 'yung kwento ko?" Seryosong tanong ko kaya napatitig naman siya sakin.

"Hindi ko alam, pero sigurado akong matagal pa iyon." Bahagya naman akong napangiti kahit alam kong sa mundong ito ay walang kasiguraduhan, lahat nakasalalay kung paano isulat ng tadhana 'yung sarili kong buhay.

"See you tomorrow?" Nakangiting tanong niya, nagbuntong hininga nalang ako at saka inirapan siya. Pasukan na namin bukas kaya kailangan na din naming matulog.

"Good night, Eros." Sabay sara ng bintana tsaka humiga sa kama at nakatitig sa kisame.

"Good night, Ms. Elly." Dinig kong sabi ni Eros sa labas at narinig ko rin ang pagsara niya sa window niya. Pumikit na ako at saka natulog.

"WAKE UP, MS ELLY! Papasok na!" What the fudge. Tinakpan ko ng unan yung mukha ko para wala akong marinig na sigaw niya. "ELLY!" Argh! This is so annoying, can't he just wait for a minute? Gusto ko pang pumikit at matu— "ELLY, I SAID WAKE UP!" Nakakarindi na! Kinuha ko 'yung teddy bear ko tsaka walang pag-aalinlangan na ibato 'yun sa kaniya at tumama nga ito sa ulo niya kaya tumawa siya ng malakas. "Oh, gising na pala. Coffee?" Muli akong humiga at natulog habang nakatakip ang malaking unan sa mukha.

"No, ayokong pumasok. Inaantok pa 'ko." Sana naman marinig niya— anong Oras na ba? Napatingin ako sa wall clock at omg late nako. Dali-dali akong naligo at nagbihis, nagsuklay narin at kumain. Naglakad nako papuntang waiting shed para mag-abang ng tricycle pero ilang minuto pa ay may sumingit na feeling pogi sa daan.

"Di'ba sabi ko sayo sabay tayo pumuntang school?" Sinabi niya ba 'yun? Tsk, Eros wala akong naalalang may sinabi kang ganon. "Sakay." Napangiwi nalang ako tsaka binuksan at sumakay sa passenger seat.

"Coffee oh." Dinalhan pa talaga ako, wala akong choice kundi inumin at ubusin iyon para din mabuhayan ako kasi kulang talaga 'yung tulog ko. Para akong sabog ngayon na napilitang maligo. "Sabi mo ayaw mong pumasok?" Inirapan ko siya tsaka itinaas ang kamao ko kaya sabay kaming natawa.

"Sinabi ko lang 'yun kasi napakaingay mo." May dala din siyang sandwich na may itlog at palaman sa loob. Buti nalang at walang traffic ngayon kaya mabilis kaming nakarating sa main gate ng school. Nagpark lang siya sa parking lot at sabay na kaming bumaba.

Sansinukob Where stories live. Discover now