Chapter 19
3:07 AM
Ck's POV
Hindi ako nakagalaw, tila namanhid ang buong katawan ko ng dumanak ang madaming dugo mula sa ilong ko. Napatingin nalang ako kay Seij na tulala rin habang pumapatak ang mga luha sa mata niya.
"Ck..."
Ngumiti ako sa kaniya at saka pinararating ko gamit ang pag titig ko sa kaniya na okay lang ako. Hahawakan ko sana ang kamay niya nang mapagtanto kong puno na iyon ng dugo. Nahihilo man ay tumayo ako mag-isa, akmang tutulungan ako ni Seij pero nag-senyas ako sa kaniya na kaya ko, muntikan na akong natumba kaya agad akong inalalayan ni Seij pero muli akong kumawala sa pagkakahawak niya at dire-diretsong tumakbo papunta sa banyo.
Tinitigan ko saglit ang aking mukha sa salamin, puno na ng pulang likido ang damit ko, nanginginig rin ang mga kamay ko. Ni-lock ko iyong pinto at doon binuhos ang mga luhang gusto kong ilabas.
Lord, I don't wanna die! Please, hayaan niyo munang maranasan ko ang masayang buhay! Buong buhay ko, nasa loob ako ng hospital kaya please!
Nakaupo lang ako sa sulok ng banyong iyon habang humahagulgol. Pinaandar ko ang shower para matanggal ang dugo sa mukha ko, pero wala akong lakas para tumayo kaya nakaupo lang ako habang hinahayaang hugasan ng tubig ang pulang likido na nakadikit sa aking damit at mukha.
"Ck, open the door." Rinig kong sigaw ni Seij sa labas pero hindi ko iyon binuksan. Ayaw kong makitang niya na nanghihina ako, ayaw kong masaktan siya kapag nakita niyang malapit na akong mamatay. Gusto ko pang mabuhay at magkaroon ng sariling pamilya kasama si Seij, noon pa man ay pangarap ko na iyon.
"Ck, please..." Pagsusumamo ni Seij sa labas, pero lumipas ang isang oras nang nakaramdam ako ng antok at pagod sa buong katawan ko. Naghilamos ako at saka lumabas ng basang-basa. Nagulat ako ng paglabas ko ay nakaupo lang sa sahig at nakasandal si Seij habang mahimbing na natutulog.
I'm sorry, Seij. I'm sorry kung nakilala pa kita at kailangan mo pang masaktan dahil lang sakin. Kung pwede lang bilhin ang buhay ay sana matagal na akong nag-ipon, pero hindi sapat ang pagpapagamot ko para matakasan ang kamatayan na siyang isinulat ng tadhana sa akin. Ang pagpapagamot ko ay para mabuhay pa ako ng matagal, hindi para gumaling ako, 'yon ang napagtanto ko sa ilang taong pagtira ko sa hospital kasama ka.
Agad na akong nagbihis at saka kinarga si Seij papunta sa kama. Ako naman ay naglagay ng bed sheets sa sahig para doon matulog. Nang makahiga na siya ng maayos sa kama ay hinalikan ko ang noo niya, tsaka ako napatingin sa buwan sa labas.
"Goodnight, My Lady!" Nakangiting wika ko at humiga narin. Hindi nagtagal ay tuluyan na akong maidlip.
Nagising ako ng marinig ko ang boses ni Seij sa kusina na kumakanta, at sumasayaw. Napangiti ako dahil paggising ko ay may kumot narin ako sa ibabaw, nang makita kong papalapit si Seij sa akin ay agad akong pumikit at nagpanggap na natutulog.
Naramdaman ko namang hinawakan niya ang bandang pulso ko, at saka bumuntong hininga. Ang weird niya ah! Lagi niyang hinawakan yung banda ng pulso ko at dibdib ko.
YOU ARE READING
Sansinukob
Teen FictionCOMPLETED Good Morning, Elly "An epitome of love and tragedy." Sansinukob ©UnspokenAreWritten [PHOTO NOT MINE; CTTO]