Chapter 23

35 10 2
                                    

Chapter 23

Day Two in Baguio

Eros' POV

Nang makauwi kami galing sa simbahan ay dumeretso na kami sa tutuluyan namin dahil nahilo din ako bigla. Tapos narin kaming mag lunch sa isang restaurant at unti-unti ko ring naramdaman ang antok. Nasa balcony kami ngayong dalawa, habang masayang pinagmamasdan ang napakagandang kapaligiran.

Itinaas ko sa ere ang camera at pareho kaming ngumiti doon. Kung pwede lang na hindi kami umuwi ay gagawin ko talaga pero di pwede dahil kailangan ko pang magpa-chemotherapy next week.

Nakaupo kami ngayon ni Elly sa balkonahe habang nakasandal ang ulo niya sa dibdib ko. Niyakap ko naman siya kaya napapikit ako at napangiti. Gusto kong hanggang sa pumuti na ang mga buhok namin ni Elly, ay mayayakap ko parin siya ng ganito.

Sana matalo ko ang Leukemia...

Bumuntong hininga nalang ako, at hinalikan ng marahan ang noo niya.

"Eros, kapag ba nawala ako, ano ng gagawin mo sa buhay mo?" Narinig kong tanong ni Elly kaya kumunot ang noo ko habang nakatingin lang sa kawalan. Bakit niya naman iyon natanong?

"Titigil din 'yung pagtibok ng puso ko, at mas lalong hihina ang katawan ko." Nakita ko namang napasimangot siya, tinignan niya ako sa mata.

"Dapat mabubuhay ka parin, Eros. Tuparin mo ang mga pangarap mo." Tugon niya kaya umiling ako ng may ngiti sa labi. Hindi mapigilang mangilid ang mga luha ko sa mata.

"Elly, wala na si Dad. Wala na si Lola, at wala din akong mommy, kapag nawala ka ay mawawalan narin ng saysay ang buhay ko. Manghihina ako, Elly dahil sayo lang ako kumukuha ng lakas." Hindi ko na mapigilang lumuha dahil tila pinapamukha ko na sa sarili kong wala na akong ibang karamay kung hindi si Elly.

"N-Nadiyan pa naman si Tita Cynthia ah?" Umiling lang ako ulit at saka ngumiti.

"May mga anak din si Tita Cynthia, at hindi kami close." Nalungkot naman ang mukha niya. "Elly, may sakit ka ba? Bakit mo natanong sakin 'yon? Mamamaalam ka na ba?" Naiiyak na tanong ko kaya bahagya siyang natawa at hinawakan ang pisngi ko.

"Nandito lang ako palagi hanggang sa gumaling ka ng tuluyan." Saad niya dahilan para mapangiti ako. Niyakap ko siya ng mahigpit pero nagtataka ako dahil mas lalong lumamig yung balat niya pero parang okay lang naman siya.

"Alam mo bang nabuhay ulit si Alba at ang Anghel na si Mikael sa ibang panahon?" Pagkekwento ko sa kaniya habang nakatingin ngayon sa mga Puno sa di kalayuan. Bahagya naman siyang nagulat at nagtaka.

"Reincarnation, ganon?" Tanong niya pa kaya tumango ako. Ngumiti lang ako sa kaniya, at sinimulang magkwento.

1876

Si Solencia Manawari ay isang binibining may natatanging kagandahan sa panlabas na anyo, ngunit hindi naman kanais-nais ang kaniyang pag-uugali ngunit ito'y hindi hadlang upang mahumali ang mga kalalakihan sa kanilang bayan. Siya ay nanggaling sa isang ordinaryong pamilya, hindi mayaman ngunit hindi rin mababa ang estado nila sa buhay. Madaming mayayamang Ginoo na umakyat ng ligaw sa kaniya ngunit labis niyang kinaiinisan ang mga kalalakihan dala narin sa pagtataksil na ginawa ng kaniyang ama sa kanilang pamilya.

Hindi nagtagal ay nakilala niya ang isang lalakeng may angking kagwapuhan at malawak ang pag-iisip, at higit sa lahat ay may mabuting kalooban. Nagtagpo ang ka kanilang landas ng batuhin ni Solencia si Ginoong Santiago, sa una ay akala ni Santiago na ito'y hindi sinasadya ng Binibini at hinintay niya itong humingi ng patawad ngunit nanatili itong nakatitig sa kaniya ng masama.

Sansinukob Where stories live. Discover now