Special Chapter (P-2)

51 9 7
                                    

Elly's POV

"Patawad, hija..."

Iniwanan ko siya ng tingin na may pagtataka at naguguluhan ako dahil hindi ko alam kung anong ibig niyang ipahiwatig sa mga salitang iyon. Hindi ko nalang din pinansin pero tuluyang makalayo ang jeep na sinasakyan ko ay nanlaki ang mga mata ko nang makita si Seij na nakatayo at pilit may sinisigaw.

"ELLY!"

Sa sigaw niyang iyon ay may pumasok bigla na ala-ala sa isip ko.

"GOOD MORNING!" Napangiwi nalang ako nang makita ko kung gaano kalaki ang ngisi ng lalakeng nasa kabilang bintana. Eros, Eros, Eros. Nag stretching pa siya habang pinapakita yung muscles daw niya kaya natawa nalang ako.

Nagiging komportable na ba ko sa taong ito? Isang linggo nalang babalik na ulit kami sa klase. "Coffee?" Sigaw niya kaya napa 'Oo' nalang ako, alam ko namang mangungulit parin yon kapag umayaw ako. Napaupo nalang ako sa kama ko habang nakatingin sa kawalan.

Sandali, 'wag mong pigilan ang iyong pagluha
Damdamin mo'y aahon sa tumigil na tadhana
Aabutin ng 'yong palad ang hangarin
Makarating pa kaya sa kanyang piling?
Ika'y pumikit

"Good Morning, Elly!"  A few days passed after we did many things together just to make ourselves happy. I think we're just escaping reality that made us dead and empty. We're making a world that would make us alive and would give us reasons to live.

"Kape?" Sabay turo niya sa hawak niyang tasa, siya'y nasa kabilang bintana ngunit araw-araw ay hindi niya nakakalimutang batiin at puntahan sa bahay na parang naging bahay narin naming dalawa.

Sometimes, he's like a kid that does anything he wants but sometimes he's an old man who knows everything that has matured mindset. Yan si Eros, sometimes maingay, sometimes tahimik at seryosong tao.

Kung panalangin ko'y 'di marinig
Abutin man ng bawat sandali
Kailangan kong isigaw, ako'y iyong iyo
Ang dalangin ng puso'y ikaw

"WAKE UP, MS ELLY! Papasok na!" What the fudge. Tinakpan ko ng unan yung mukha ko para wala akong marinig na sigaw niya. "ELLY!" Argh! This is so annoying, can't he just wait for a minute? Gusto ko pang pumikit at matu

"ELLY, I SAID WAKE UP!" Nakakarindi na! Kinuha ko 'yung teddy bear ko tsaka walang pag-aalinlangan na ibato 'yun sa kaniya at tumama nga ito sa ulo niya kaya tumawa siya ng malakas. "Oh, gising na pala. Coffee?" Muli akong humiga at natulog habang nakatakip ang malaking unan sa mukha.

"No, ayokong pumasok. Inaantok pa 'ko." Sana naman marinig niya— anong Oras na ba? Napatingin ako sa wall clock at omg late nako. Dali-dali akong naligo at nagbihis, nagsuklay narin at kumain. Naglakad nako papuntang waiting shed para mag-abang ng tricycle pero ilang minuto pa ay may sumingit na feeling pogi sa daan.

"Di'ba sabi ko sayo sabay tayo pumuntang school?" Sinabi niya ba 'yun? Tsk, Eros wala akong naalalang may sinabi kang ganon. "Sakay." Napangiwi nalang ako tsaka binuksan at sumakay sa passenger seat.

"Coffee oh." Dinalhan pa talaga ako, wala akong choice kundi inumin at ubusin iyon para din mabuhayan ako kasi kulang talaga 'yung tulog ko. Para akong sabog ngayon na napilitang maligo. "Sabi mo ayaw mong pumasok?" Inirapan ko siya tsaka itinaas ang kamao ko kaya sabay kaming natawa.

Sansinukob Where stories live. Discover now