Chapter 11

36 10 3
                                    

Chapter 11

6:01 AM

Tahimik lang kaming bumyahe pabalik sa dagat para kunin ang mga naiwang gamit doon. Kasama ko si Eros ngayon, tulala lang siyang nakatingin sa daan. Kanina ko pa siya gustong yakapin at kausapin pero alam kong hindi pa maayos ang proseso ng isipan niya dahil sa mga nangyayare.

Nang makarating kami doon ay tahimik parin ang paligid, hindi na kami nagsayang pa ng oras dahil ang pagkuha ng gamit lamang ang pakay namin sa pagbalik dito. Habang inaayos ko ang mga gamit ko ay napatigil ako ng mapagtantong nawawala ang Notebook ko.

Napalingon ako kay Eros na ngayon ay nakatayo lang sa harapan ng dagat at alam kong sa sandaling iyon ay umiiyak parin siya. Hinalughog ko ang buong tent at kotse ni Eros pero wala akong nakikitang Notebook kaya pinuntahan ko na si Eros para tanungin.

"Eros, nakita mo ba 'yung Notebook ko?" Namamaga ang mata niya nang lumingon siya sakin, umiling siya at saka nagsalita kahit na paos na siya kakasigaw kanina.

"Hindi, kagabi nakita kitang nagsusulat dun." Kumabog naman ang puso ko, napakahalaga ng Notebook ko na iyon. Hindi maaaring mawala iyon, agad akong lumusob sa dagat at nagbabakasakaling naroon din iyon. Basang-basa na'ko habang nanginginig narin ang mga kamay ko.

"E-Eros, di pwedeng mawala 'yun." Kinakabahang tanong ko, tumakbo narin ako sa dalampasigan pero wala parin akong nakikitang itim na notebook doon. Hindi ko na napigilan ang mga luha ko at kusa na itong bumuhos.

"Bumili ka nalang ng bago—"

"NO! Hindi mapapalitan ng kahit anong bagay ang Notebook kong 'yun." Naiiyak na sigaw ko habang patuloy na naghahanap sa mga buhangin.

"Pwede ka namang magsimula ulit sa pagsusulat." Nanginginig ang kamao ko at tinitigan ko siya ng masama.

"F*ck you! Wag mo 'kong itulad sayo na kayang iwan ng basta-basta ang pagsusulat! Buhay ko 'yon, Eros. Buhay ko ang Notebook na 'yon!" Napaupo nalang ako sa buhangin at hindi ko na alam ang gagawin. Sinulat ko ang bawat mahalagang detalye ng aking buhay doon kasama si Dad, at iyon din ang huling bagay na binigay sa akin ng mom ko.

"Hindi mo alam ang pinagdaanan ko bago ko nilubayan ang pagsusulat." Seryosong tugon niya at saka naglakad palayo. Nagpatuloy nalang ako sa paghahanap hanggang sa naramdaman kong lumipas na ang isang oras at iniwan narin ako ni Eros. Wala akong nagawa kung hindi ang mag-isang umuwi habang hindi matigil ang pagtulo ng aking luha.

Pagpasok ko sa bahay ay sinalubong ako ng dilim, napatitig nalang ako ngayon sa isang picture ng mom ko.

"M-Mom, gusto ko na kitang mayakap." Umiiyak na wika ko habang nakaupo, hindi ko alam kung anong gagawin ko pero parang wala akong buhay ngayon. Nawawalan ako ng ganang imulat yung mata ko tuwing naaalala kong naiwala ko 'yung Notebook ko. Hindi lang iyon isang simpleng Notebook, talambuhay ko iyon.

Pagkapasok ko sa kwarto, hindi ko alam pero kusang lumingon ang aking mga mata sa bintana ng kwarto ni Eros na ngayon ay nakasarado. Hindi ko rin mapigilang malungkot dahil hindi kami okay ngayon. Nawala sa isipan ko ang pinagdadaanan ni Eros ngayon, sinigawan ko pa siya kanina.

Natulog lang ako buong araw at oras-oras ay tinitignan ko ang bintana ng kwarto ni Eros dahil nagbabakasakali akong bumukas iyon at makita muli ang mga ngiti ni Eros pero dumilim nalang ang paligid ay nanatili iyong sarado.

Sa pagkakataong iyon ay naramdaman ko ang tunay na lungkot at nag-iisa. Gusto kong magsorry pero wala akong mukhang maihaharap kay Eros. Nakaramdam ako ng gutom pagsapit ng 8 PM kaya lumabas ako ng kwarto, umaasa akong paglabas ko doon ay makikita ko si Eros na nakaupo at nanonood ng TV na madalas niyang ginagawa pero kadiliman ang nakikita ko doon.

Sansinukob Where stories live. Discover now