Chapter 9
4:15 PM
Hours passed quickly, and the sun was about to set kaya nakaupo kaming dalawa sa dalampasigan habang hinahayaang tangayin ng alon ang mga paa namin. Patawa-tawa naman si Eros habang gumagawa ng sand castle, ako naman ay hawak ang Notebook at ang pinakamamahal kong ballpen.
Isinulat ko doon ang nararamdaman ko ngayon, masaya ako hindi dahil napasaya ko ang sarili ko, kung hindi dahil ay nakikita ko sa mga mata ni Eros kung gaano siya ka saya at para bang nasa kabilang sulok kami ng daigdig kung saan kaligayahan at kapayapaan lamang ang aming nararamdaman kabaliktaran ng mundong aming kinagisnan.
"Anong tingin 'yan?" Tanong niya dahilan para matauhan ako, umiling lang ako at saka bumaling sa maliit na notebook ko.
I feel strangely happy, as if I am falling into a galaxy and I don't know what to do anymore.
"Masaya akong ngumingiti ka na." Muli niyang sabi kaya inirapan ko siya at saka tumingin sa malayo. Ako nga 'tong Masaya dahil nakakangiti na siya sa gitna ng pinagdadaanan niya.
Bakit nga ba ako masaya, sa katunayan ay hindi pa rin naman nababago ang katotohanang mag-isa lang ako sa buhay. Napatingin ako muli kay Eros na lumusob na sa dagat, mag-isa nga ba ako?
"Yung sunset, Eros!" Agad kong kinuha ang camera niya bago tuluyang lumubog ang araw at saka kinuhaan ng litrato. Agad naman tumakbo si Eros papalapit sa akin at nakisali sa picture. Sabay kaming nag-wacky at nag-smile habang tawang-tawa din sa mga mukha namin pareho. Lumusob na din ako sa tubig at nagpalutang-lutang doon, pero dahil may papansin akong kasama ay winiwisikan niya ako ng tubig kaya agad ko siyang binawian at pumatong ako sa balikat niya para lunurin siya.
"Kapag talaga ako, di na huminga dito ie-enjoy mo talaga 'yung krimen na ginawa mo." Biro niya pa kaya muli ko siyang tinulak kaya sabay kaming humalakhak. Nakikisaya sa amin ang buong Sansinukob, ramdam kong nakangiti ang papalubog na araw.
"Alam mo ba 'yung Alamat ng Paglubog ng Araw?" Biglang tanong niya, napa-iling naman ako habang nakatitig ngayon sa araw na hindi pa naman tuluyang naglaho.
Sa isang mapayapang lupain sa Sansinukob, nakatira roon ang isang dalagitang nagngangalang Alba na ang ibig sabihin ay Twilight. Sa Sansinukob na iyon ay tanging liwanag lamang ang kanilang nararanasan, ni minsan ay hindi nila naranasan ang gabi at madilim na kapaligiran marahil sila ay pinahahalagahan ng Bathala. Si Alba ay isang karaniwang tao na umibig sa isang anghel na itinalaga ng Bathala na mamuno sa bayan kung saan nakatira ang Babaeng si Alba. Hindi nagtagal ay napaibig narin ang Anghel sa kaniya, kahit na alam niyang ito ay paglabag sa batas ng kanilang Bathala. Walang lihim ang hindi nabubunyag kaya't pinigilan ng Tadhana ang kanilang pag-iibigan dahil ito'y magwawakas lamang sa isang matinding kaparusahan na kanilang haharapin. Walang nagawa ang dalawa kung hindi ang iwan ang isa't isa ngunit ito'y hindi matanggap ng dalagita nang siya'y hindi pinaglaban ng kaniyang sinisinta.
"Isinusumpa ko sa Ngalan ng buong Sansinukob na ito, walang maligayang katapusan ang mararanasan ng bawat tao. Pagkatapos ng bukang liwayway, sisikat ang araw ngunit aking hinihiling sa Bathala na lulubog rin ito bago matapos ang isang araw. Pinagkait ng Tadhana sa akin ang kaligayahan ko kaya't ang isang araw at ang liwanag ay magtatapos rin. Ang paglubog ng araw ay nangangahulugan ng wakas."
YOU ARE READING
Sansinukob
Teen FictionCOMPLETED Good Morning, Elly "An epitome of love and tragedy." Sansinukob ©UnspokenAreWritten [PHOTO NOT MINE; CTTO]