Pahimakas (The Last Farewell): A brief continuation of Sansinukob.
Dinig mula sa aming silid-aralan ang bawat patak ng ulan na kanina pa bumubuhos sa labas. At heto ako, nakaupo malapit sa bintana ng aming classroom, pinagmamasdan ang mga nagsisitakbuhang mga estudyante. Hindi ako nakinig sa buong lecture ng aming guro, hindi dahil sa ayaw ko, kundi dahil sa wala talaga akong maintindihan. Agham, iyan ang aming asignatura.
Pilit talakayin ng aming guro ang posibilidad na mayroon ngang iba pang sansinukob bukod sa ating mundo. Sa kalagitnaan ng aking pagmamasid sa labas, biglang nahagip ng aking mga mata ang isang lalaki, tumatakbo, ngunit kung gaano kabilis ang pagtakbo niya ay siya namang biglang pagbagal ng pag-ikot ng mundo.
Huminto siya sa harap ng bintana kung saan ako nakapwesto, nagtitigan kami ng ilang segundo. Pilit binabasa ang aming mga mata, kumakabog ng malakas ang aking puso. Nanatili kami sa ganoong posisyon, nakaupo ako, siya nama'y nakatayo sa harap ko, bintana ang pagitan namin. Kilala ko siya. Ano ngang pangalan niya?
Parehas kaming naguguluhan sa mga oras na iyon, nababasa ko ang ekspresyon ng mukha niya. Kilala namin ang isa't isa, ngunit hindi ko alam kung kailan at saan ko siya nakita.
Kusa akong napatayo at napatakbo sa kalagitnaan ng aming klase, agad akong lumabas at tinignan ang kinatatayuan ng lalaki kanina. Ngunit bigo akong makita siya roon, muli akong bumalik sa aking kinauupuan.
"Baliw na ata ang babaeng iyan," dinig kong sabi ng aking kaklase. Tinitigan ko lamang sila. Muli kong nilingon ang bintana ngunit hindi ko na talaga makita ang lalaki. Subalit, isang pirasong papel ang lumipad patungo sa aking upuan. Binasa ko ang nakasulat doon.
Magkita tayo sa coffee shop bandang alas dose.
Hindi nako nakatiis, saktong nag-alas dose ay tumatakbo akong pumunta ng coffee shop. Hingal na hingal, dahan-dahan kong pinasadahan ng tingin ang kabuuan ng coffee shop ngunit hindi ko makita ang lalaki roon. Iisipin ko na sanang binibiro lamang ako ng taong iyon ngunit biglang nanlamig ang bandang likod ko na tila ba may yumakap sa akin sabay may bumulong.
"Kung makikita mo 'ko, sa pag-ikot ng mga pangakong taon ang inabot," dama ko ang lamig ng kaniyang boses, unti-unting pumasok sa aking sistema ang aming mga ala-alang binuo namin sa kabilang sansinukob. "Hawakan mo 'ko."
(Oh, 'wag kang tumingin
Nang ganyan sa'kin
'Wag mo akong kulitin
'Wag mo akong tanungin)"Hindi ko na itinuloy ang pagtahak sa mundo mo, lalo na kung ito lamang ang makasisira sa iyo. Hinanap kita ng ilang siglo sa iba't ibang sansinukob, bilang si Seij, si Elly, at ngayon nahanap uli kita," hindi ko namalayang napapikit ako sa mga sandaling iyon. Agad kong nilingon ang aking likod, ngunit hindi ko matagpuan ang lalaki sa kahit saang sulok ng coffee shop.
Pinasadahan kong muli ang kabuuan nito hanggang sa nakita ko siya mismo sa aking harapan. Isang table lang ang pagitan namin, ngumiti siya. Sa pagkakataong iyon, nagsasaya ang aking puso.
"Sapat na sa akin ang makita ka, ilang siglo ko rin itong hinintay," sabi niya mula sa kinatatayuan niya.
"Hawakan mo 'ko, sabay nating tuparin ang mga pangakong isinulat ng tadhana sa atin, kahit pa ilang sansinukob ang pagitan natin sa isa't isa. Elly, hawakan mo 'ko," inilahad niya sa harap ko ang kamay niya, dahan-dahan ko itong inabot at sa pagkakataong nagtama ang aming mga daliri ay bigla siyang naglaho. Naiwan sa akin ang huling mga salitang ibinigkas niya sa hangin.
"Wag na nating ipagpilitan ang mga bagay na ayaw talagang magtugma. Sapat na rin siguro ang pagtama ng landas ng mga pusong minsan na ring ipinagkaisa. Salamat, at hinayaan mo 'kong mahalin ka hanggang sa ikatatlo kong buhay."
Oh, kay tagal din kitang minahal
Oh, kay tagal din kitang minahal[ T H E E N D ]
YOU ARE READING
Sansinukob
Teen FictionCOMPLETED Good Morning, Elly "An epitome of love and tragedy." Sansinukob ©UnspokenAreWritten [PHOTO NOT MINE; CTTO]