Guys sorry talaga kung ngayun lang ako nakapag update
Sobrang busy lang talaga sa work
'yaan nyo dalas dalasan ko na pag u-update hihihi peace
XD
Andrew's POV
"ano na naman kaya ang gagawin naming ngayon sa school? Nakakatamad din naman kasing puro lecture lang at puro daldal ng mga teachers ko... haaaaaaaayyyyy" bulong ko sa sarili ko habang naglalakad papuntang school. Bakit kase nasira yung bike ko eh, kainis....
Pagdating sa school ay agad kong nakita ang teacher ng first subject ko na si Gng. Mendoza
"good morning ma'am!" ang masayang batik ko sa kanya. Siya ang pinaka favorite teacher ko sa lahat. Maliban kasi sa pagiging maalalahanin eh sobrang bait pa nito.
"good morning din Andrew. Dala mo bang art materials mo?" sagot naman ni teacher
"ahhm opo. Bakit po ba? Anong meron?" tanong ko sa kanya
"di ba sinabi sayo ng mga kaklase mo? May activity tayo mamaya at dapat may I do draw kayo. Basta malalaman mo nalang mamaya. Alis muna ako ha kelangan ko pa kase pumunta ng office" pagmamadali niya at umalis na rin
Sa dami ba namang pinagdaanan namin sa mga nakaraang araw at linggo? Di ko na alam kung naalala ko pa yun. Di man lang sinabi sakin ng ungas na si Daniella ang tungkol ditto, kainis naman, di ko pa naman dala yung mga gamit ko haaaaaaayyyy, huli na kung babalikan ko pa yun sa bahay. Magsisimula na kasi ang unang klase ko, lagot nah
Alam ko nah, manghiram nalang ako sa mga kaibigan ko hihihihi (evil laugh)
"ah Adrian, nagdala k aba ng art materials mo?" tanong ko
"oo Andrew, bakit?" sagot naman ni Adrian
"eh kase hindi ako nakapagdala eh. Hindi ko kase alam na gagamitin pala natin yun ngayon" nahihiya kong sabi sabay kamot ng ulo ko
"ano ba naman 'yan. Oh sige na nga" si Adrian
"yes!! Salamat talaga Adrian ha hihihi. Maasahan ka talaga" ngiti kong sabi
"ano bang mga kelangan mong materials? Meron akong crayons, pencil, colored pencils, colored pens, water colors, glue, art papers, mechanical pencil, rulers, protractors, bond papers, blah blah blah" si Adrian
"Ano ba naman yan. Ang dami mong dala Adrian. Hindi k aba nahihirapan magdala jan? samantalang ako dalawang notebook lang at tsaka dalawang lapis lang" sabi ko
"hindi naman. Stroller naman bag ko at malaki so kasya lang lahat 'to at tsaka kelangan naman to eh. You can never tell di ba?" si Adrian
Nahiya tuloy ako sa kanya. Kaya ang ginawa ko ay kumuha nalang ako kung anong sa tingin ko ay pwede nang gamitin. Ni hindi ko nga alam kung anong mga pangalan nun eh, kinuha ko yung isang ruler na hugis patatas tsaka yung isang lapis na bakal at yung mga parang pencil case na may lamang ibat ibang kulay at may brush na kasama.
"okay na bay an? Eh anong klaseng bond paper ang kelangan mo?" si Adrian
"ah, eh eto nalang" sabay turo ko dun sa isang pad ng coupon bond.
"okay, anong size ba? Letter size? Legal size? Or A4?" tanong ulit ni Adrian
"ang kulit naman eh. May ibat ibang pangalan din pala ang coupon bond?" naiirita kong tanong ditto.
BINABASA MO ANG
Sino Ka Ba Talaga?
RomanceIba kung magbiro ang Tadhana Hinding-hindi mo malalaman kung ano ang mangyayari sa'yo kinabukasan at Hinding-hindi mo malalaman kung ano talagang nakalaan para sa'yo Tanging Diyos lang ang makakapagsabi Bata pa lang sina Adrian at Andrew ay magkapat...