_____________________
ANDREW'S POINT OF VIEW
_____________________
Umaga na pala. Di ko namalayang nakatulog pala ako kagabi dahil sa kalasingan ko. Nagkayayaan kaming uminom kagabi ng mga barkada ko dito sa Maynila. Sinubukan kong kalimutan ang mga nangyari. Andito ako ngayun sa kwarto ko habang nakatingala sa kisame. Naaala ko nung dito kami sabay matulog ni Adrian nung mga bata pa kami. Ang lakas pa naman humilik nun. Natatawa nalang ako habang naaala ko yun, kung paano ko siya kurutin sa ilong at kung paano nya ako aksidenteng nasipa sa kama at nalalag. Natatawa akong mag isa na parang isang baliw. Wala akong ganang bumangon at sa tingon ko ay dito nalang ako sa kwarto buong maghapon. Linggo ngayun at may pasok ako bukas. Sasabihin ko nalang sa teacher ko na nagluluksa pa kami ng pamilya namin. Siguradong maiintidihan nila 'yon.
Walang ibang nasa utak ko kundi si Adrian lang. Haayy! Dapat ko nalang tanggapin na wala nang bestfriend ko. Ni hindi ko man lang alam kung anong itchura niya (Lumaki kasi si Andrew sa New York at bata pa sila nung huli nilang nakita ang isa't-isa) nung teenager pa lang siya. At wala din akong picture nya. Kahit Facebook account man lang niya ay hindi ko alam. "Ano kayang itchura ni Yanny ko?" tanong ko sa sarili ko habang nakahiga parin ako sa kama at tinatamad bumangon.
__________
FLASHBACK
__________
"Oh anak, Mukhang excited ka nah ah" sabi sakin ni mama
"Siyempre naman po. Makikita ko na si "Yanny" bukas. Babawi ako sa kanya" ako habang masayang nag iimpake ng mga gamit ko pabalik ng Pilinas
"Ma? May picture ka ba ni Adrian?" tanong ko kay mama
"Naku wala Andrew. Di mo man lang bah hinanap sa Facebook?" si mama
"Hindi ma eh," malungkot kong tugon
"Wag kang mag alala. Magkikita naman kayo bukas eh. Kaya mabuti pay magpahinga ka na muna anak" si mama
"Cge po ma. Kayo din po. Malayo pang lalakbayin natin bukas" ako habang nag ayos ng higaan ko
"Cge anak. Matulog ka na. Goodnight! I love you" sabay halik sa pisngi ko
"Goodnight din ma. I love you too" sabi ko naman
Kinabukasan ay sumakay na kami ng eroplano papuntang Pilipinas. Nang nasa airport pa kami ay biglang may kakaiba akong nararamdaman. Na parang may masaman mangyayari. D ko nalang pinansin. Nasa impapawid na kami ng muli kong maramdaman ang kakaibang feeling.
Tumagal ng 20 hrs ang flight namin at sa wakas ay umapak narin ang gulong ng eroplano sa NAIA. Sinundo kami ni tita Emily sa airport (Ate ng mama ko) kasama na ang pinsan kong si Daniella.
"Insan!!!! Kumusta ka nah?? Tita Lorna (pangalan ng mama ni Andrew) ang ganda ganda nyo parin" tanong nya sakin habang niyakap ako ng mahigpit. "Uy ang gwapo mo nah ha. Para kang Model" dagdag pa niya
"Ayos lang ako hija. Ang ganda ganda mo nat at dalagang dalaga na" si mama sabay yakap kay insan
"Andrew hijo kumusta ka nah? Tagal tagal na nating d nagkita. Ang laki laki mo nah at gwapo pah" sabay yakap sakin ni tita Emily
"Siyempre. Pinanganak kaya akong gwapo" pagmamayabang ko (Yabang ko talaga noh? hehehe)
"Ayos naman ako tita. Ikaw din parang bumata ng husto" sabi ko sabay ngiti sa kanya
BINABASA MO ANG
Sino Ka Ba Talaga?
RomanceIba kung magbiro ang Tadhana Hinding-hindi mo malalaman kung ano ang mangyayari sa'yo kinabukasan at Hinding-hindi mo malalaman kung ano talagang nakalaan para sa'yo Tanging Diyos lang ang makakapagsabi Bata pa lang sina Adrian at Andrew ay magkapat...