SPECIAL CHAPTER (FLASHBACK Part 8)

68 1 0
                                    

ANDREW'S POV

"oh anak, bukas na ang kaarawan mo. Ano bang gusto mong regalo sabi ng Dad mo? Bibigyan ka raw niya" tanong ni Nanay. Ano ba naman yan, antok na antok pa ako eh at gusto ko pang matulog.

"hmmm??" inaantok kong tanong kay Nanay habang kinukusot ko ang mga mata ko

"ang sabi ko, bukas nang kaarawan mo, tinanong ng Daddy mo kung anong gusto mong regalo?" tanong ulit ni Nanay

"kahit ano nalang po...." Inaantok ko paring sagot

"okay. Pasenxa ka na sa istorbo ha. Kausap ko kase ang Daddy mo ngayon sa internet." Si Nanay

Ano kamo? Kausap nya ang papa ko? Biglang nawala ang antok ko ng marinig iyon galling sa kanya. Ano na kayang itchura niya ngayon?

"at pati mga kapatid mo kausap ko" dagdag pa ni Nanay

"teka lang po. Kelan pa tayo nagkaroon ng computer sa bahay at internet?" pagtataka ko

"ay sorry anak. Hindi ko sinabi sayo. May package na dumating kahapon kaya heto may computer na tayo at tumawag na rin ako sa P*** (hindi ko nalang sasabihin ang name ng company hehehe) para magpakabit tayo ng internet at nagawa naman nila kanina kaya heto nah." sabi niya

"ganun po ba?" sabi ko at akmang bumalik na sa pagkakatulog.

"kelan bang graduation nyo anak?" tanong ni Nanay. Biglang nawala ang antok ko ng narinig ko 'yun. Oo nga pala ano? Ga-graduate na nga pala ako ngayung March. Hindi lang ako, pati na mga kaibigan ko. Bumangon ako at lumapit kaya Nanay.

"sa March 26 po Nay. Bakit?"

"naku wala pa akong naisipang I regalo sa'yo anak. Pero 'wag kang mag alala, hindi ko kakalimutan 'yang araw ma 'yan pangako." Si Nanay

"nga pala anak, pinapatanong din ng Papa mo kung anong gusto mong regalo sa graduation" dagdag pa niya

"dalawang regalo talaga? 'bat 'di mo nalang sabihin sa kanya na ipagsabay nalang lahat sa graduation ko?" tanong ko

"iba ang birthday sa graduation anak. Tsaka sabi nya darating na daw ang regalo mo bukas ng hapon. Sabi kase nya overnight shipping 'yung package para sa regalo mo." Si Nanay.

"'di po ba mahal ang overnight shipment na 'yun Nay?" tanong ko

"oo anak mahal nga. Pero gusting makabawi ng Daddy mo so pinapatanong nya." Sabi ni Nanay. Aba ang yaman ha. Overnight shipping talaga. Napaisip tuloy ako kung anong gusto kong regalo. Sagot naman ni Daddy so okay lang. alam ko na bwahahaha (evil laugh)

"ang gusto ko Nay, GAMEBOY ADVANCE hahaha"

"ano?? Ang mahal kaya nun!" gulat na sabi ni Nanay

"tinatanong nyo kung anong gusto kong regalo di po ba? Eh yun ang gusto ko eh" sabi ko sabay smirk. Umiling nalang si Nanay

"hay naku. Okay sya sya sasabihin ko nah" si Nanay

"ayos!! hehehehe"

Nakita kong nag uusap sila Nanay at papa ko sa computer at tanging boses lang ang komonikasyon nila at sinabi na nga ni Nana yang gusto kong regalo ngunit nagulat ako ng bigla itong pumayag si papa ng hindi man lang nag aalinlangan sa preso ng GAMEBOY. Seryoso ba sya? Nagbibiro lang naman ako ah. Ilang minute rin ang nagtagal ng pag uusap nila at tinawag ako nito. Lumapit siya sa akin na seryoso ang mukha. Gusto raw ni papa na makausap ako.

"Nay, 'wag na. kayo nalang muna ang mag usap dyan" pagtanggi ko

"alam mo anak, siguro ito na ang tamang panahon para kausapin mo ang Daddy mo. Gustong gusto ka niyang makita" si Nanay

Sino Ka Ba Talaga?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon