guys sorry talaga at sobrang natagalan ako sa pag u-update
sobrang busy lang talaga :)
vote naman jan.
sa mga silent readers vote naman jan :)
oh heto ng next chapter, ENJOY!!
JOHNNY'S POV
Naglalakad parin kami sa mall kasama si Lorenz, Andrew, Daniella, at si Julia. Palaisipan parin sakin kung bakit galit si Danilella kay Miss Janelle. Bakit kaya nya biglang sinigawan ang ex teacher ko? At parang ang tagal na nilang kakilala. Hmm d bali na nga. E-enjoy ko nalang ang moment na 'to kasama mga kaibigan ko.
Naisipan naming kumain pagkatapos maglakad sa mall. Pumunta kami sa isa sa mga favorite fast food namin dito. Isa isa kaming umorder ng mga food namin. Ganun parin, two pieces na chicken inorder ko. SObrang nagutom ako dun ah, papakin ko nalang 'tong chicken hahaha.
Pagkatapos naming kumain ay biglang nag kuwento si Daniella tungkol sa buhay nya 'dun sa Maynila. Nakakaloka puro katarantaduhan pala pinag gagawa nitong babaeng 'to nung bata pa siya. Natawa tuloy kaming lahat. Isa isa kaming nag kuwento ng mga talambuhay namin. Pagkatapos magkuwento ni Daniella ay si Lorenz naman ang sumunod. Sinaliwalat nya ang mala MMK niyang buhay at pabiro pa akong umiyak at nang asar hahaha binatukan nga ako ng mokong eh, sakit pa naman nun, haayz.
Pagkatapos ni Lorenz ay si Julia naman. Haaaay sobrang boring ng kuwento niya. Puro shopping, out of town, meeting new acquiantance etc, blah blah blah. Matapos ang mahabang letanya nya (na sobrang boring talaga) ay sa wakas, si Andrew naman ang nag kuwento. Pinag masdan ko siya at kita ko sa kanya ang biglang pagkagulat ng tinapik siya ng pinsan nyang si Daniella
."Oh insan, Your turn" magiliw na sabi ni Daniella na parang nang aasar pah
"'Wag na ui, alam nyo naman ang kuwento ko eh" nainis nyang sabi
"'Uy ang OA mo ha. Lahat kami nag share na ng kuwento kayong dalawa nalang ni Johnny ang hindi pah so unfair naman samin nila Lorenzo at Julia" sabi ni Daniella
"Haaay... sige na nga" si Andrew sabay batok kay Daniella
"Araaay!! What was that for?" naiinis na sabi ni Daniella. Nakatuwa naman ang mag pinsang ito. Parang magkapatid lang. Haaays sana may kapatid din ako hihi
"Once upon a time...." si Andrew sabay ngiti
"Hay naku luma na yan insan" si Daniella
"Eh di ikaw nalang mag kuwento, pambara ka eh" si Andrew
"Uy joke lang kaw naman hahaha" si Daniella.
At nagsimula nang mag kuwento si Andrew sa kanyang buhay. Lahat kami ay sobrang excited. Lalong lalo na ako, 'di ko maiwasang pagmasdan ang mapupula niyang labi, ang dimples nya at ang mala anghel niyang mukha. haaayz na babakla na ako neto sheyt lang ha.
----------
ANDREW'S POV
Andito kami ngayon sa mall kasama ang asungot kong pinsan. Tulad ng dati nakabagot, lakad dito lakad dun'. Buti sana kung may bibilhin ako eh wala naman. Andito pa si Julia at dinamay nila, sana nalang 'di na xa sumama. Ganun pa man, ayos lang. Andito naman si Johnny, kahit papano nakakapag smile parin ako. Ewan ko ba pero masaya ako pag andito xa, iba talaga pag andito siya. Napapasaya niya ang araw ko. Ewan ko ba kung bakit hindi ko 'to maramdaman kay Julia. 'Di bali na nga lang.
Kasalukuyan kaming andito sa Jollibee at ako na ang nagkuwento sa buhay ko. 'Eto kasi ang naisipan naming gawin. Total wala namang masama kung magkuwento ako eh 'di sisimulan ko nalang.
"Nung bata pa ako ay may kaibigan ako. Adrian ang pangalan niya. Nagkita kami sa isang party. Iyon ang unang beses na nakikipagkaibigan ako sa 'di ko kakilala. Suplado kasi ako kahit nung bata pa lang ako. Kakaiba si Adrian sa lahat ng batang andun." pagkukuwento ko habang pinag mamasdan nila ako lalong lalo na si Johnny.
"Nagkaroon kasi ng birthday party sa bahay nila, birthday ng mama niya. Family Friend kasi ng papa ko ang papa ni Adrian kaya hayun, envited ang lahat. Na bo bored kasi ako kaya naisipa kong pumunta sa garden nila. Nakita ko ang isang batang umiiyak. Agad ko siyang nilapitan at nakita ko siya na humihikbi. 'Anong nagyari sayo?' ang tanong ko sa bata. 'Ayawa nila akong kalaro, sabi kasi nila lampa daw ako' sabi ng bata habang patuloy parin sa pag iyak. 'Hayaan mo, tayo nalang ang maglaro' magiliw kong sabi sa bata. 'Talaga?' nakangiti niyang tanong sakin. 'Oo naman, simula ngayon magkaibigan na tayo' sabi ko. 'Alryt! Ayos! Ako nga pala si Adrian, ikaw? anong pangalan mo?' tanong ni Adrian sakin. 'Ako si Andrew' sabi ko. 'Hello Andrew, tara laro tayo ng taguan' masaya niyang sabi. 'At 'bat hindi ako kasali jan?' biglang hirit ng pinsan kong si Daniella" pagkukuwento ko
"Teka teka teka, naalala mo pa 'yun insan?" si Daniella sabay putol ng kuwento ko
"OO naman" maikli kong tugon
"Si Daniella talaga oh, panira ng moment. Ang ganda na sana ng kuwento" biglang sabi ni Johnny
"Sorry naman bess, na excite lang ako eh hehe" sabi ni Daniella kay Johnny
"Itutuloy ko pa bah?" sabi ko
"PLEASE!!" sabay sabi ng dalawa
"Ok. Pagkatapos nun ay naging matalik na kaibigan na kami ni Adrian. Palagi kaming pumupunta sa bahay nila kasama si Daniella. May isang beses nga na niligtas ni Adrian ang buhay ko. May humarurot kasing sasakyan nun sa subdivision namin habang naglalaro kami ni Adrian. Muntik nga akong nabunggo. Niligtas ako ni Adrian, Tinulak niya ako at siya ang nabunggo. Buti nalang at minor injuries lang ang tinamo niya. Isang araw ay biglang sinabi samin ng papa ko na aalis na daw kami. Pupunta na kaming America. Kakalungkot lang kase di na kami makapaglaro ng Adrian ko. Nagpaalam ako sa kanya at nangakong babalikan ko siya. 'di ko alam na yun na pala ang huling araw na magkikita kami. 'Di ko akalain na pagkatapos nun ay 'di ko na pala siya makikita kahit kelan. Namatay si Adrian na wala man lang ako sa tabi niya." at 'di ko na talaga mapigilan ang luha ko. Sobrang nalungkot ako sa kuwento ko at humagulgol na ako sa harap nila. Nagulat ako ng biglang may lumapit sakin at hinihimas ang balikat ko. Si Johnny pala sabay ngiti sakin. Nakita ko rin sa mukha niya na umiiyak na siya. "'Wag ka nang malungkot Andrew, andito naman kami. Simula ngayon, 'di ka namin pababayaan. Ituring mo nalang kaming kapatid" sabi niya sabay ngiti sakin. Niyakap ko siya ng sobrang higpit at humagulgol. 'Di ko maipaliwanag pero parang may kuryente ang pagkakayakap ko. Ang gaan sa pakiramdam, ramdam ko ang init ng dibdib ni Johnny at ang mabilis na tibok ng kanyang puso. Kumalas ako sa pagkakayakap at kita ko sa mga mata ni Johnny ang biglang pagkagulat.
"P-pasenya na Johnny, nadala lang ako ng emosyon ko" sabay ngiti ko sa kanya na tulala pa rin.
"O-okay lang 'yun Andrew. Sorry 'din at naiyak ako ha hehe" sabay ngiti sakin ni Johnny na ikinatuwa ko naman
"EHEM!!!". Nagulat kami at napansin naming magkayakap na pala kami ni Johnny ng matagal. Nakita kong galit na galit ang tingin saking ng girlfriend kong si Daniella, at si Daniella at Lorenzo naman ay nagtinginan ng may makahulugang ngiti.
"Sorry Julia, nadala lang kami ng emosyon namin" sabay naming sabi ni Johnny kay Julia
"O-ok lang. Nga pala mauna na ako ha. nagtext kasi sakin si Mommy, pinapauwi na niya ako" si Julia sabay ang pilit na ngiti
"Ah ganun bah? gusto mo ihatid na kita?" alok ko sa kanya
"Naku 'wag nah. papasundo nalang ako sa driver namin. Cge guys bye. Salamat sa time ha" si Julia sabay alis nah
Nagkatinginan kami ni Johnny na parang may ibig sabihin ang yakapan namin kanina.
itutuloy...
BINABASA MO ANG
Sino Ka Ba Talaga?
RomanceIba kung magbiro ang Tadhana Hinding-hindi mo malalaman kung ano ang mangyayari sa'yo kinabukasan at Hinding-hindi mo malalaman kung ano talagang nakalaan para sa'yo Tanging Diyos lang ang makakapagsabi Bata pa lang sina Adrian at Andrew ay magkapat...