Chapter 8: Si Daniella at Ako

130 3 1
                                    

Maraming salamat sa patuloy na pagbabasa sa story ko

Sana nag enjoy kayo :D

Oh eto nang chapter 8, ang pagkikita ng dalawang mag bestfriend

ENJOY!

----------

----------

_____________

ANDREW'S POV

_____________

"Posible kayang si Johnny at Adrian ay iisa? Hindi! Hindi naman siguro. Imposible yun" sabi ko sa sarili kohabang nakatitig sa Photo Album ni Adrian

"Hoy! Kanina ka pa tulala jan. Naka Drugs ka ba?" birong tanong sakin ni Daniella

"Loko ka talaga! Wala noh. May naalala lang ako" sabi ko

"Tara nah! Kanina pa naghihintay sa'yo si Tita Amanda sa baba" si Daniella

Pagbaba namin ni Daniella ng kwarto ay di parin mawala sa isp ko si Johnny. Kung siya nga si Adrian, 'bat siya napunta ng Dumaguete? Ano at sino ang nagdala sa kanya dun?

Pagdating namin sa sala ay agad akong kinausap ni Tita Amanda na samahan muna siya sa puntod ng anak. Agad naman akong sumama.

Nang makauwi na ako ng bahay ay biglang nag ring ang cellphone ko. Si Julia pala.

"Hello?" sagot ko ng cellphone ko

"Langga? 'Bat ang tamlay ng boses mo? May problema ba?" tanong ni Julia sakin

"W-wala naman ga. Musta ka nah?" tanong ko

"Ok lang naman ako. Ikaw ang kumusta?" si Julia

"'Eto, Nagluluksa pa din. 'Di parin mawala sa isip ko ang mga nangyayari eh" malungkot kong sabi

"Condolence nga pala ga. Musta na si Tita Amanda?" si Julia

"Ayun. Malungkot pa 'din" sabi ko

"Alam kong maayos din ang lahat" si Julia

"Sana nga ga. Sana" malungkot kong sabi

"Uy siya nga pala. Wala tayong pasok bukas hanggang sa Wednesday. Kelan ka babalik dito?" si Julia

"Ah ganun bah? Ewan ko. Siguro sa Tuesday na" sabi ko

"Ah ganun bah? ok. Miss na kita ga" sabi niya

"I miss you too ga" sabi ko sa kanya

"Oh sige mag ingat ka jan ah. I love you Langga" sabi ni Julia

"I love you too Ga" sabi ko

Binaba na ni Julia ang telepono. Dumiretcho na ako ng kwarto ko nagpahinga. "Bukas nalang kaya ako uuwi?" tanong ko sa sarili ko. Tama! bukas na lang. Ayoko kasing maalala ang mga nakaraan namin ni Adrian dito sa Maynila.

Kinabukasan ay nagpaalam ako kay mama na mauna nalang akong bumalik ng Dumaguete. Pumayag naman ito. Hapon ang flight ko. 'Di ko nalang sinabi kay Julia na nakauwi na ako. Una kong pinuntahan si Adam kinabukasan. Police kasi 'yung papa nya. Magpapatulong ako sa kanya at meron lang akong gustong itanong dito. Simula ng na assign sa Dumaguete ang papa ni Adam ay dito narin sila ng mama nya, pati narin si Julia.

"Oh pre? Halika pasok" si Adam

"Pre, Anjan bang papa mo? May gusto lang kasi akong itanong sa kanya tungkol sa isang tao" tanong ko sa kanya

Sino Ka Ba Talaga?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon