hello guyz
update muna ako ha
rest day kasi weeehhh
it seems na tinamaan na talaga tong si Andrew sa ating bidang si Johnny
pero hanggang saan ang kayang isugal ni Andrew para sa binata?oh eto nang next chapter guyz
ENJOY!!!
>>picture of Andrew at the top
NOW PLAYING: SHOWER by BECKY G
____________________________________________
3 Days Later at napapadalas ang pagdalaw ni Anrew sa bahay nila Johnny at palagi na rin silang magkasamang mamasyal
TUESDAY....
+++++++++++++
JOHNNY'S POV
+++++++++++++
It's the second week of the 2nd semester. Nagising ako sa tilaok ng mga manok. 5:47 AM pa lang ng umaga ay nagising na ako. Pano naman kase eh, sobrang kinilig ako kay Andrew. Ninakawan ba naman ako ng halik kagabi pagkatapos naming mag dinner? Pero ang sarap sa pakiramdam hehehe. Araw araw niya akong pina saya. Kahit ba masasabi kong brokenhearted ang binata ay sinubukan ko pa ring damayan siya kahit papaano. 'Di ko lang talaga kayang makita ang mga kaibigan ko na nalulungkot o 'di kaya'y nahihirapan. Gusto ko lang talaga silang laging masaya. Lalong lalo na si Andrew, hindi dahil sa malaki ang utang na loob ko sa kanya kundi dahil gusto ko ang ginagawa ko. Palagi ko na siyang naiisip bawat araw. Pag nakikita ko siya ay kompleto na ang araw ko. Haaaaay sarap mabuhay pag palagi ko siyang kasama. Ano ba 'tong nangyayari sakin? In love na ba ako? NBSB kasi ako kaya 'di ko alam ang pakiramdam ng ma inlove.
"HOY!!! kanina ka tinatawag ni Nanay" pagi sing sakin ni Ate Grace.
"H-ha?? B-bakit daw?" tanong ko habang nakangiti
"Hmmm ewan ko." si Ate
"Ang aga pa naman ah" sabi ko
"Malay ko ba. Teka lang, hmmmmm napansin kong napapadalas na ang pag punta ni Anrew dito ah. Kayo na ba?" tanong ni ate na may kasamang panlaki ng mga mata
"Ate naman eh. Porke magkasama palagi kayo na agad? 'Di ba pwedeng magkaibigan lang?" sagot habang kamot ko ang ulo ko
"My question is answerable only with a YES or a NO" si Ate
"NO!!" napalakas ang boses ko nang marinig ni Nanay na ikinagulat naman ni Ate
"Oh, nag aaway ba kayo? 'Bat mo sinigawan Ate mo?" si Nanay
"A-ah w-wala naman po. Si Ate kasi eh kinukulit ako" nainis kong sabi sa kanya. "Sorry Ate" dagdag ko pa
"Naku, palibhasa kase inlove yan Nay" si Ate
"Talaga? Inlove nang anak ko? Kanino?" ngiting tanong ni Nanay kay Ate Grace
"Siyempre kay And...." di na natuloy ang sasabihin ni Ate ng tinakpan ko ang kanyang bibig ng kamay ko
"A-ah e-eh w-wala po" nauutal kong sabi kay Nanay
"Hmmm kay Andrew ba anak? Alam ko na 'yan dati pa. Kung makatitig ka sa taong 'yun eh wagas na para bang huhubaran mo na siya" si Nanay
BINABASA MO ANG
Sino Ka Ba Talaga?
RomanceIba kung magbiro ang Tadhana Hinding-hindi mo malalaman kung ano ang mangyayari sa'yo kinabukasan at Hinding-hindi mo malalaman kung ano talagang nakalaan para sa'yo Tanging Diyos lang ang makakapagsabi Bata pa lang sina Adrian at Andrew ay magkapat...