Chapter 22: Ang Pagbabalik Ni Adrian - Part 2 (Alaala Mo)

77 2 0
                                    

this will be the shortest chapter na gagawin ko preparatory for the next Chapter

in this chapter ay merong magbabalik na character, si Andrew

pero ba't ganito na tong twist?

sino bang mga lalaking nagtatangka sa buhay ni Adrian?

ABANGAN!!! XD

haaaayz hingang malalim muna

picture of Johnny and Grace on top

~~~~~~~~~~~~~

ADRIAN'S POV

~~~~~~~~~~~~~

Every single memory that I had from the past ay biglang bumalik lahat. Lahat lahat naaalala ko na. Lahat lahat ng mga nangyari sa nakalipas ay lahat bumalik sa utak ko. Ang dahilan kung bakit ako na aksidente. Ang dahilan kung bakit may nagtangka sa buhay ko. Ang dahilan kung bakit ako ngayon nandito at kung anong pinagdaanan ko. My fury is about to burst hearing that name "Andrew". Ang pangalan lang pala niya ang magbabalik ng lahat ng alaala ko.

"Sino ba si Andrew sa buhay ko? At anong papel ginampanan niya? Nasaan ba siya nga kailangan ko siya? At anong pakialam ko sa buhay niya?" galit kong sabi sa lalaking nasa harapan ko. Andrew pala. Eh ano ngayon? Hindi ko siya kelangan. Wala siya sa mga oras na nahihirapan at nagdusa ako. Wala siya ni isang reply sa mga sulat at e-mail ko.

"I don't know you. Get out of my sight" malamig kong sabi kay Andrew

"Adrian, let me explain" si Andrew at hahawakan na sana niya ang mga braso ko ngunit...

"GET OUT OF MY SIGHT GODDAMIT!!!" sigaw ko sa kanya

"NO! I'm not leaving you here okay? And I am not leaving you anymore" sagot naman niya

I took a deep breath, smiled and say, "Well, sino nga naman mag aakalang buhay ka pa pala eh ano? Ang akala ko nga patay ka na Andrew, Para san pang pinangako mo? bakit? Alin ba dun ang natupad? Ngayon darating ka't magpakilala at iligtas ako? Hahaha lam mo? Mas gugustuhin ko pang mamatay sa mga lalaking 'yun kesa kamumuhian ka ng husto. Alam mo ba kung gaano moko pinahihintay at pinaasa Andrew? Alam mo bang hirap at lungkot na dinanas ko?". Sa sobrang galit ko ay di ko namalayang tumulo na pala ang luha ko.

Tiningnan ko lang si Andrew with a very sarcastic smile. "Ano? Andrew? Wala kang sasabihin?". Nakita kong umiyak na si Andrew. Lumapit ito sakin at nagmakaawa

"Adrian please. Patawarin mo ko. Hindi ko naman ginusto ang mga nangyari eh." naiiyak niyang sabi

"Hindi nga ba? 'Lam mo ba kundi dahil sayo, hindi ako kinamumuhian ng papa ko? Naaalala mo ba nung sinabi mo sa kanya na bakla ako? Alam mo ba kung anong ginawa niya sakin?" galit kong sabi still with a sarcastic smile

"Pinaghahampas niya ako ng sintoron Andrew. Hindi na niya ako kinausap pagkatapos nun. Pero Hindi ako nagalit sa inyong dalawa. Alam mo kung bakit? Dahil alam kong mahal ko kayong dalawa at alam kong pamilya ko kayo. Ngayon anong nangyare? May napala ba ako? Hahahaha oo meron. eto!!!! " sabay turo ko sa scar ng ulo ko. I remembered that day nung sumabog ang bus na sasakyan ko sana. "Pero kahit ganitong sinapit ko Andrew, nagpapasalamat parin ako sa'yo dahil kundi dahil sayo, hanggang ngayon siguradong umaasa parin siguro ako sa ibang tao" mahabang letanya ko sa kanya

"Adrian please, hayaan mokong magpaliwanag" naiiyak paring pakiusap ni Andrew

"Wag na Andrew, masasayang lang ang laway mo" i smiled in a very sarcastic manner. Biglang may kinuha si Andrew sa bulsa niya at may tinawagan.

"Parating na ang Mommy mo. Sinabi ko ring nagbalik na ang alaala mo" Andrew told me

"Good! 'coz we'll have very very serious matters to discuss" I said

.....

.....

.....

.....

Pumasok na kami ng station ng police at inireport ang mga nangyari....

ITUTULOY

Sino Ka Ba Talaga?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon