"Tandaan mo Adrian, habang nadito ako ay hinding-hindi kita pababayaan. Walang pwedeng manakit sa'yo. Lagi lang akong nandito para sa'yo. Hinding-hindi kita iiwan"
"Talaga besfriend? Pangako yan ah?"
"Oo naman. Bestfriend kaya kita! At mahal na mahal Kita."
"Salamat bestfriend, mahal na mahal din kita!"
......
TIK...
TAK..
TIK...
TAK..
Sabi ng Wallclock. Alas 5 na nang umaga ng nagising ako sa isang panaginip. Sino kaya 'yung dalawang batang 'yun? 'Bat ba palagi ko silang napapanaginipan? Sino si Adrian? Bakit paulit-ulit lang nag mga panaginip kong 'yun? Mga tanong ko sa sarili habang nakaupo ako sa kama ko. Hindi ko talaga maiintindihan ang mga panaginip ko ngayung mga nakaraang gabi pag natutulog ako. Palaging may umiiyak na lalaki at palaging may na aaksidente.
Bumangon na ako sa kama at naligo at nag toothbrush. Panibagong araw na naman 'to. Excited na akong pumunta ng school. "Ano na naman kaya ang naghihitay sakin ngayung araw na to?" tanong ko sa sarili ko habang nagbibihis.
"Jun2x, bumaba ka na jan. Nakahanda na ang almusal" si Nanay
"Bababa na po ako!" sabi ko
"Himala ah. Ang aga mong nagising? Hahaha" sabay tawa sakin ni Ate Grace
"Hay naku Ate. Tigilan mo nga ako, kay aga-aga eh inaasar mo na ako" sabi ko naman sa kanya
"Eto naman. Naglalambing lang ate mo. Lika nga dito, bigyan mo nga ng morning hug ang ate mo dali!" sabi ngiti sakin ni Ate na agad ko namang tinugon
"Aray Ate! Hindi ako makahinga" ako sabay sigaw ko kay ate Grace
"Miss na miss ko nang i hug ang Baby bro ko hehehehe" sabay gulo ni Ate sa buhok ko
"Kumain na nga kayong dalawa at baka ma late pa kayo nyan" sita sa amin ni nanay
Pagkatapos kong kumain ay nagpaalam na ako kina Ate at Nanay na papasok na ako sa school. Pagdating ko sa school namin ay agad kong tinungo ang room ng first subject namin. Habang naglalakad ako sa hallway ay nakasalubong ko ang guro namin sa Chemistry.
"Kumusta ka na Johnny?" sabi ngiti nya sakin. "Huh? Paano nya nalaman ang pangalan ko?" sabi ko sa sarili ko habang nakatingin ako sa kanya
"Ok naman po ako Ma'am" sabi ko sabay ngiti ko sa kanya
"Mabuti naman kung ganun. Ako nga pala si Janelle Soriano. Pero tawagin mo nalang ako sa pangalang Janelle" sabi nya sabay abot sa'kin ng kamay nya
"Ako nga po pala si Johnny Reyes" ako sabay hawak sa kamay nya
"Alam ko. Studyante kaya kita sa isang subject ko" sabi nya
"Ah oo nga po pala" sabi ko habang napakamot ako sa ulo ko
"Oh sya cge mauna na ako ha. May pupuntahan pa kasi ako sa office" paalam nya sa'kin sabay ngiti
"Cge po ma'am. Mag-iingat kayo" sabi ko sabay ngiti sa kanya
"Ikaw din!" maikli nyang tugon
BINABASA MO ANG
Sino Ka Ba Talaga?
Любовные романыIba kung magbiro ang Tadhana Hinding-hindi mo malalaman kung ano ang mangyayari sa'yo kinabukasan at Hinding-hindi mo malalaman kung ano talagang nakalaan para sa'yo Tanging Diyos lang ang makakapagsabi Bata pa lang sina Adrian at Andrew ay magkapat...