-------------------------------------
JOHNNY'S POINT OF VIEW
-------------------------------------
Haay naku!! kakapagod maglakad. Pano kasi wala na akong naabutang jeep. Mag aalas 9 na kasi tapos hanggang 8 PM lang yung jeep pauwi sa amin. Halos 30 minutes akong naglakad pauwi. May kalayuan kasi ang school namin. Habang dinadayo ko ang daan pauwi ay may nakita akong batang umiiyak at pinagtutulungan kutyain ng mga kalaro niya.
"BAKLA5X" sabi ng mga kalaro nya
"Hoy! Tigilan nyo na nga 'yan. Eh ano ngayun kung bakla siya?" sabi ko sa mga bata
"Eh ayaw namin ng bakla eh. Salot sila!" sabi nung isang batang lalaki
"Bakit? May perpekto bang tao sa mundong ito? Wala naman d bah? Bago mo kutyain yang kalaro mo tingnan mo munag sarili mo sa salamin kung perpekto ka bah. Anak tayong lahat ng Diyos at siya lang ang pwedeng humusga sa atin" seryosong sabi ko sa bata
Tumakbo naman ang mga ito at umalis. Nilapitan ko ang batang umiiyak. "Ayos ka lang ba bata?" nakangiting tanong ko sa bata habang pinunasan niya ang luhang dumaloy sa mga mata nya.
"Ayos lang ako kuya! Ako nga pala si Dave" sabay abot ng kamay niya sakin
"Ako naman si Jhonny! Jun2x nalang" sabay hawak ko sa kamay niya
"Salamat Kuya Jun2x" sabi ni Dave sabay yakap sakin
"Walang anuman Dave. Oh cge hatid na kita sa inyo. San' ba yung bahay nyo?" tanong ko kay Dave
"Salamat ulit Kuya ha. Diyan lang po sa may kanto bahay namin" sabi nya. Tumango ako bilang pagtugon. nakarating na kami ng bahay ng may isang babaeng sumalubong samin.
"Dave? San ka na naman nanggaling bata ka? mag aalas 9 na nang gabi. Pumasok ka nah sa bahay" sigaw ng babae kay Dave
"Nay. Siya nga po pala si Kuya Jun2x. Niligtas nya ko sa mga umaway sakin kanina" si Dave sabay turo sa akin
"Magandang Gabi po" sabi ko sa babae
"Magandang Gabi naman sayo. Naku salamat hijo. Pasok ka muna sa loob at nang makapag hapunan ka. Ako nga pala si Teresa, Nanay ni Dave" sabay abot sakin ng kamay ni Aling Teresa
"Jun2x nga po pala. Naku huwag na ho.Pauwi din naman ako ng bahay eh. Doon nalang ako maghapunan. Maraming salamat po" sabi ko sabay ngiti sa kanya
"Sigurado ka?" si Aling Teresa
"Opo! Mauna na po ako. Gabi na kase eh hehe" ako sabay ngiti
"Oh sige mag ingat ka hijo." sabi niya sakin
"Bye Kuya Jun2x!" sabi ni dave habang kumakaway sakin
"Bye Dave, Bye Aling Teresa" sabay kaway ko sa kanilang dalawa.
Nang pumasok ako ng bahay ay napansin kong sarado na ang gate at patay lahat ng ilaw. Marahil ay tulog ng mga tao sa bahay. Bigla kong naalala na may Surpresa pala sakin sina Ate Grace at si Nanay. Nagmadali kong binuksan ang gate at agad pumasok. Laking gulat ko pagbukas ko ng ilaw ay may nakasabit na HAPPY BIRTHDAY JUN2X sa kisame.
"HAPPY BIRTHDAY JUN2X!!!!!" sigaw nilang lahat sa akin pagbukas ko ng ilaw
Hindi ko naalalang Birthday ko pala ngayun. Muntik na akong maiyak sa sayang nararamdaman ko. Andun lahat ng mga mahal ko sa buhay at mga kapitbahay namin. Andun din ang bestfriend kong si Lorenz.
BINABASA MO ANG
Sino Ka Ba Talaga?
RomanceIba kung magbiro ang Tadhana Hinding-hindi mo malalaman kung ano ang mangyayari sa'yo kinabukasan at Hinding-hindi mo malalaman kung ano talagang nakalaan para sa'yo Tanging Diyos lang ang makakapagsabi Bata pa lang sina Adrian at Andrew ay magkapat...