ADRIAN'S POV
many days have passed at sa wakas ay ga graduate na kami sa susunod na araw. nakakalungkot mang isipin pero kailangan na naming iwan ang school namin and perhaps our classmates too.
ako ang valedictorian sa school namin at laking tuwa ng mga magulang ko... though i think hindi ito na appreciate ng Daddy ko. expected na kase nya na ako ang magiging number 1 sa school namin and he anticipated this.
pero sabi ni Mommy hindi raw siya makarating sa graduation ko dahil sobrang busy sa office. palagi naman eh. minsan nga naisip ko anak ba talaga nila ako? buti pa nga ang mga kaibigan ko't si Manang may malasakit pa sa akin pero sila na mga kadugo ko ay walang pakialam sakin.
hindi ko nalang pina alam sa mga magulang ko nung makarating ako sa bahay bagkos ay dumiretso nalang ako sa room ko. magkahalong saya, kaba at lungkot ang nararamdaman ko. hindi naman dahil kinakabahan ako sa speech ko bukas pero may kakaiba akong kutob na may mangyayaring diko inaasahan bukas na magpapakaba at magpapalungkot sa akin. ramdam na ramdam ko ito na tila ba may isang mahalagang tao sa buhay ko na hindi ko na makikita sa loob ng mahabang panahon.
iwinaksi ko nalang iyon sa isip ko at nag iisip ako kung ano ang isusuot ko bukas. alam ko nah. magsusuot nalang ako ng long sleeves at slacks at black pair of shoes.. pero dapat may necktie ako. paano? eh hindi ako marunong magtali huhu
habang abala ako sa paghahalungkat sa mga damit ko sa cabinet ay tinawag ako ni Manang. may phone call daw para sa akin. sino naman kaya ito? at wala naman akong ine expect na tawag ngayong hapon ah.
bumaba na ako at pansamantalang iniwan ang ginagawa ko sa kwarto.
"hello?"
"hello, Adrian. may gagawin ka ba bukas? dito ka nalang sa bahay pagkatapos ng graduation natin ha? may konti kaming salo-salo dito at dito rin maghapunan sina Daniella at ang pamilya nya" narinig kong sabi ni Andrew sa kabilang linya
"Oo bah, sige walang problema." masayang tugon ko at napangiti ako dahil kahit papaano ay hindi ring magiging malungkot ang graduation day ko. "pero Andrew, okay lang ba kung isama ko si Manang? sigurado kasi akong siya lang mag isa dito sa bahay bukas pag anjan na ako" dagdag ko pa
"ay naku ano ka ba? kahit hindi ka na magpaalam sakin ay okey na okey lang sa akin. gusto mo kahit mga magulang mo isama mo na rin? hehehe" si Andrew
"naku 'wag nah. siguradong sobrang busy ng mga 'yun bukas. ni gradutation day nga natin bukas eh wala silang pakialam sa akin. siguro si Manang nalang ang magsasabit ng medalya sakin. makikiusap nalang ako sa kanya" tugon ko
"wag mo nalang isipin 'yun Adrian. siguro nga'y busy lang talaga 'yung mga 'yun at para sa kinabukasan mo naman 'yung ginagawa nila eh kaya 'wag mo nalang masyadong dibdibin 'yun. andito naman kami ah. at kung wala lang sa kanila ang pagiging valedictorian mo at kung hindi sila proud sa'yo eh kami sobrang ipinagmamalaki ka naming lahat. lalong lalo na kaming mga kaibigan mo. lalong lalo na ako Adrian." Andrew said. mabuti nalang at may kaibigan akong katulad nyo Andrew at Daniella
BINABASA MO ANG
Sino Ka Ba Talaga?
RomanceIba kung magbiro ang Tadhana Hinding-hindi mo malalaman kung ano ang mangyayari sa'yo kinabukasan at Hinding-hindi mo malalaman kung ano talagang nakalaan para sa'yo Tanging Diyos lang ang makakapagsabi Bata pa lang sina Adrian at Andrew ay magkapat...