ADRIAN'S POV
I am now on my 4th year as a high school student. I'm already 22 years old dahil hinto aral hinto aral ako. Ang daming nagyari sa buhay ko na hindi ko inasahan. Many struggles, hindrance, and most of all, hardships. Nakayanan ko mag isa ng hindi umaasa sa mga magulang ko. Kahit masasabi kong mayamam kami ay hindi ako umasa sa mga magulang kong wala ng ginawa kundi ang magpaka lulong sa kani kanilang trabaho. Tanging si Manang lang ang nakakausap ko sa bahay araw-araw. Wala akong mga kaibigan dahil si Daniella ay abalang abala sa kanyang bagong naging boyfriend. Ni hindi man lang nya ako tinitext o tinatawagan para kumustahin ako. At si Andrew naman ay isa nalang mapait na alaala ng aking nakaraan.
Ang dating Adrian na mabait, matalino at mahinhin ay ibang iba na ngayon. Natuto na akong maging palaban at maging salbahe. Natuto na rin akong maging suplado at pilosopo hindi lamang sa mga kapwa ko studyante kundi pati na rin sa mga teachers ko. Palagi na ring akong bumabagsak sa mga subjects ko dahil sa ayoko na talagang magpatuloy sa pag aaral at tinatamad na. tanging si Manang nalang ang nagpuporsige sa akin na mag aral ng mabuti at siya rin ang nag enroll sa akin noong pasukan.
Para saan pa ang pagiging mabait kung wala namang mga kaibigang totoo? Para saan pa ang pagiging mabait kung aabusuhin ka lang nila?Ayoko nang maging mabait. Ayoko nang inaapi. Bakit ako nagkakaganito? Ikukukwento ko.
FLASHBACK (6 YEARS AGO)
"oh, hand aka na ba para sa flight mo bukas bespren?" tanong k okay Andrew. Kasalukuyan kaming nasa balcony nila at kasama ko si Daniella at Leo.
"hmmmmm, parang ayoko nang umalis Adrian" si Andrew habang nakatingin sa kawalan
"ano ka ba naman? Para sa future mo rin naman 'yan ah at tsaka babalik ka rin naman 'di ba? Nangako ka samin na babalik ka" ngiting sabi ko habang akap ko siya para kahit papaano ay maibsan ang kalungkutan niya
"oo nga naman insan, ang OA mo. Hindi ka naman mamatay di ba? At sa pagbalik mo dapat marami kang pasalubong na dala para sa'min ha hahahaha" sabi ni Daniella habang umiinom ng juice
"uy gusto ko 'yan. Bigyan mo naman ako ng sapatos Andrew, 'yung NIKE ha hehehe" sabi ni Leo
"mga ulol. Tigilan nyo nga ako. Kamao gusto nyo?" sabi ni Andrew
"hahaha biro lang at alam ko namang hindi mo gagawin 'yun noh, ang kuripot mo kaya" sabi ni Daniella
"uy uy uy, anong kuripot? Palagi nga kitang nililibre sa school dati" sabi ni Andrew
"hahahaha like isang lollipop at tatlong piraso ng kendi? Pinagmamayabang mo pa 'yun? At tsaka grade 3 palang tayo nun" natatawang sabi ni Daniella at nagtawanan silang dalawa ni Leo
"kahit na, nilibre pa rin kita" said Andrew
"hay naku. Tumigil na nga kayo. Kailangan nating tulungan si Andrew na mag impake, ano sama kayo sakin?" sabi ko
"no thanks" sabay nilang sabi
"okay, manglilibre pa naman sana ako sa sinumang tutulong" sabi ko
"tara dali!!! Asan na bang maleta mo insan? Leo tulungan moko dali" pagmamadali ni Daniella
"tingnan mo 'tong mga 'to. Nakarinig lang ng salitang 'libre' agad nabuhayan ng dugo" sabi ni Andrew at umiling pa
BINABASA MO ANG
Sino Ka Ba Talaga?
RomanceIba kung magbiro ang Tadhana Hinding-hindi mo malalaman kung ano ang mangyayari sa'yo kinabukasan at Hinding-hindi mo malalaman kung ano talagang nakalaan para sa'yo Tanging Diyos lang ang makakapagsabi Bata pa lang sina Adrian at Andrew ay magkapat...