Chapter 12: Ang Pagsasaliwalat (Part 2)

120 2 1
                                    

update muna ako guys ha

rest day ko kase hehe

oh eto ng susunod na chapter

enjoy sa pagbabasa, comment naman kau mga silent readers XD

JOHNNY'S POV

__________

Nakakahiya talaga ang nagyari kanina. 'Di ko kase inasahan na yayakapin ako ni Andrew. Parang ilang boltahe ng kuryente ang dumaloy sa mga veins ko hahaha (landeeeee). Ang bango bango talaga ni Andrew at ang yakap nya sobrang sarap. Parang gusto kong ulitin 'yun ah hehe.

Naglalakad parin kaming apat dito sa mall. Tahimik lang kaming dalawa ni Andrew at pawang sina Lorenz at Daniella lang talaga ang nag iingay. Napagpasyahan naming manood ng sine. Tamang tama 'di pa ako nakakapasok sa movie world eh, pano kase nagtitipid ang lola nyo haayzzz. Guardians of the Galaxy ang palabas. Kumuha muna ng ticket sina Andrew at Daniella habang kami naman ni Lorenz ang bibili ng makakain namin.

"Oh Andrew, Daniela, anong gusto nyong kainin?" si Lorenz

"Hmmm, Piattos nalang sakin, 'yung roadhouse bbq ha tsaka isang bottle ng mineral water" sagot naman ni Daniella

"Okay. Ikaw Andrew? Anong 'sayo?" tanong ni Lorenz kay Andrew

"Ahh, Clover Chips nalang, 'yung Barbeque flavor ah" si Andrew

"Naku pareho pala tayo ng gusto" sabi ko naman na may kasamang ngiti kay Andrew. Ngumiti si Andrew sakin sabay sabing "Alam ko" at kumindat

"Ansavee?" naguguluhan kong tanong sa kanya

"Wala. Cge kuha muna kami ng ticket ah. Hintayin nalang namin kayo dito" si Andrew

"Okay. Oh tara bespren" si Lorenz sabay akbay sakin

At bumili na nga kami ng mga makakain. Pagkatapos naming makabili ay naglakad na kami papuntang movie world. Excited na excite na ako kasi eto 'yung unang beses na makapasok ako ng sinehan ayeeee XD. Habang naglalakad kami ay napansin kong maraming tao ang naghihiyawan at nagsisigawan. May Fashion show pala. Andun din ang mga model ng underwear at pabango, hindi ko lang matandaan ang pangalan ng company. Basta ang alam ko lang ay sikat ang Brand na 'yun.

"Lorenz, nood muna tayo saglit. Total malayo pa naman ang oras eh hehe" magiliw kong sabi kay Lorenz

"Aw sige. Pero 'di tayo magtatagal ha" sabi ni Lorenz.

"Ow sure, no problem. Tara!" sabi ko

Nakitang naming napuno agad ang center ng mall. Kapansin pansin talaga ang mga modelo sa kanilang mga sexy at hot na katawan. Haaaay ang daming mga fafa dito wahahaha, landi ko lang ano. Natapos ang fashion show after 30 minutes. May nakita akong isang malaking Streamer sa stage na may pangalang LEO MADRIGAL. Ang alam ko, siya 'yung pinakasikat na model sa pinas. Palagi ko siyang napapanood sa mga commercials ng mga pabango nya. Moreno siya at gwapo at higit sa lahat, napakaganda ng hubog ng katawan nya. Palibhasa model hmmm. Siya ang pinaka huling lumabas sa catwalk at pagkatapos niyang rumampa ay ini-interview siya about sa mga products nila at sa lahat niyang mga inindorse. Halos mabingi na talaga ako sa sobrang lakas ng mga hiyawan ng mga tao. Karamihan mga babae at bakla na patay na patay sa modelo.

"So Leo, tell us more about your new products" sabi ng interviewer

"Well, una sa lahat nagpapasalamat ako kay God at ako ang napili na mag presenta nito. At maraming salamat sa warm welcome mga taga Dumaguete." sabi ng modelo. Hiyawan na naman ng napakalakas ang mga tao. Tahimik lang ang lahat habang nagsasalita siya tungkol sa kaniyang ini-endorse na products. Bigla nalang akong nag sneeze ng napakalakas at agaw pansin talaga. Halos lahat ng tao ay nakatingin sa akin. Biglang tumingin si Leo sa dako namin at nakita niya kaming dalawa ni Lorenz. Tinanggal ko ang aking kamay na nakatakip sa mukha ko at tiningnan at stage. Nagulat ako ng makita ko si Leo na nakatitig sa akin na para bang nakakita ng multo.

Sino Ka Ba Talaga?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon